Ngayon lang ako nakaisip ng pangalan ng school nila huehuehue. Ang lame pa. Inedit ko yung 1 ~ The New Group. Inilagay ko na dun yung name ng university nila :) sorry sa late late late update :)
SOPHIA' S POV
Gosh! Ano na namang kaguluhan meron dun? Don't tell me, may bagong grupo nanaman sa East Venus University?!?! Hindi pa ba sapat yung dalwang grupo ng lalaki dito? AY wait. Baka naman girls?
Lumapit ako para makita kung anong kaguluhan nanaman. Nakita ko si Jade at.. at si Axis! Ano bang nangyari? Bakit sila pinagkakaguluhan? Ano ba kasi talagang meron sa kanilang dalawa? Lahat naman silang Nightmare eh slave niya, bakit si Axis yung nakakasama niya palagi? Ay, isang araw pa lang pala yun BWAHAHAHAA SARREH.
Ano yun? Inuutusan ni Jade si Axis? hmm.. mukhang pinaninindigan talaga niya yung pagkakaroon niya ng slaves ah?
Nung nagsibalikan na yung mga tao sa kani-kanilang gawain, nakatayo parin dun si Jade. Nang makita niya ako ay agad na niya akong nilapitan.
"Wow, pinaninindigan mo ah?" pangunguna ko sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad kahit sa totoo lang hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"Hahahaha nga eh. Wala lang. Ewan ko ba parang gusto kong pagtripan yung lalaking yun kanina." sabi niya.
"Ayieee. Kaso grabe ka naman kaya, nakakasira rin ng ego yun 'no! Sige ka gantihan ka pa nun." pananakot ko. Nakakasira rin naman kasi yun sa reputasyon ni Axis. Biruin mo napahiya siya eh siya nga dapat yung mamamahiya. Sabagay, mali naman kasi yung pagtrato niya dun sa maharot na babae eh.
"Anong 'ayieee'? Medyo nakokonsensya na nga rin ako eh.... PERO BAGAY LANG SAKANYA YUN 'NO! KAHIT PA MAHAROT YUNG BABAE DI DAPAT NIYA PINAHIYA! YAN TULOY, SIYA YUNG NAPAHIYA!" sigaw niya na halos mabingi na ako.
"Ano ba naman bebs, magkatabi lang tayo. Kung makasigaw ka naman diyan wagas." iritadong sabi ko.
"Hahahaha ikaw kasi eh."
"Huh? Bakit ko naman kasalanan? Baliw ka." Minsan nahahawa rin pala to sa kabaliwan ko. Ako kaya dapat yung baliw saming dalawa. Magbestfriend kasi kami kaya ganun.
----
Nung natapos na yung klase ko ng 2pm, mag-isa pa lang ako kasi 3:30 pa tapos ng klase ni Sophia. Papalabas na sana ako ng school nang biglang may nagtakip sa mata ko. Amoy pa lang alam ko na.