[2] The Deal

48 14 5
                                    

JADE'S POV



T-teka si Axis ba 'to? Oo! Siya nga ata. So magkaklase pala kami sa history.



*light bulb*



Mas mapapadali kong sabihin yung pinaplano ng Dark Belt, yes! As usual nakaupo ako sa harapan, puno na yung upuan sa likuran kaya umupo si Axis sa second to the last row. Halos lahat ng babae nakatingin sa kanya pero ni isa wala siyag pinansin.



Lilipat sana ako ng upuan, dun sa upuan sa harapan niya kaso may lalaking nauna saakin. Madali ko lang 'tong mapapalipat.



"Uhm.... Hi." umupo ako dun sa desk nung lalaking nakaupo sa harapan ni Axis.



"J-jade? B-bakit?" nagsustutter pa si koya, asa naman siyang papatulan ko siya eh mas panget pa siya sa daga eh.



"Pwedeng palit tayo ng upuan?" sabi ko in a seductive way. Napakamot lang siya sa ulo niya at tumango.



Nilipat ko yung bag ko sa desk nung nilipatan kong upuan at umupo na rin. Kahit may vacant seat beside me, hindi ko na nilagay yung bag ko dun kasi natuto na ako nung kanina sa seminar.



Lumingon ako sa likod ko at nakita kong seryoso na nagcecellphone si Axis. Nagsalita agad ako.



"Ah.. Axis... A-alam kong hindi tayo close pero may sasabihin kasi akong importante eh." shet bakit ngayon ako na yung nagsistutter? Nakakatense kasi eh parang anytime pwede niya akong kainin.



Hindi siya sumagot at inilagay ang earphones sa tainga niya. Wrong move ka bui, ayaw na ayaw ko yung pinagmumukha akong tanga.



Pumunit ako ng papel sa notebook ko tapos sinulat ko dun



Siraulo ka! Sasabihin ko lang naman na may mga unggoy na nagpaplanong wasakin yung kotse niyo! Pero dahil pinamukha mo akong tanga, ako na mismo ang wawasak nun!



Kincrumple ko yung paper tapos ibinato ko sa pagmumukha niya. Nakuha ko ata yung atensyon ng lahat.



"Ohmygosh binatuhan ni Jade si Axis ng papel!" sigaw ni Girl 1



"Hala? Close na sila?" tanong ni Girl 2

More Than SlavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon