AXIS' POV
(A/N: TAMA NAMAN DIBA? AXIS'S - AXISES)
Di ko naman inaakala na aabot sa ganito yung pantitrip ko kay Jade. Nung una pinagtripan ko lang naman siya tungkol sa icepick na akala ko matalino siya kaya magegets niya agad yun pala hindi. Kayo ba gets niyo?
Sasabihin ko na nga dapat na kaya ako tumawa nang malakas at naglabas ng ice pick eh kasi..... OO NA AKO NA YUNG TUMUSOK DUN SA GULONG NG KOTSE NIYA! Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa, basta ang alam ko nung una ko palang siyang makita parang namamagnet na ako... nakikita ko sakanya si Colai....
Parehas silang palaban,parehas sila manamit, parehas sila ng mga choice of words.... parehas silang maganda.
Okay so yun nga, dapat sasabihin ko na kaso ininsulto niya yung mukha ko! Hindi naman sa naiinis ako, in fact natutuwa nga ako eh! Pagtitripan ko lang sana ulit siya kaya nilalapit ko yung mukha ko sakanya. Pero parang biglang gumalaw yung mukha ko at naitulak ko ang labi ko sa labi niya.
Nung una, sobrang na-awkwardan ako sa sitwasyon, sobrang FC ko na nga tapos manghahalik pa ako diba? Kaya buti na lang malapit na rin naman yung school at nung pinababa ko siya, sumunod naman siya kahit ako yung slave saming dalawa. HEHE.
Tapos nung nakita ko siya mula sa window ng cafeteria kasama yung best friend niyang si Sophia, bigla na namang ay tumulak saakin para lapitan siya. Kaya ayun na-awkwardan ulit ako.
Naramdaman din siguro niya yung awkward atmosphere kaya ibinato niya saakin yung pagkabigat bigat niya bag. Nauna na siyang maglakad tapos nung sinabi kong 'Oo na mahal na prinsesa, gusto mo ikaw buhatin ko eh?' bigla siyang namula at tumalikod. Binilisan niya yung lakad niya pero sa sobrang bilis nadapa tuloy siya.
Siyempre tinulungan ko siya. Binuhat ko siya pero ang tigas ng ulo niya! Bitawan ko daw siya? Kaya ayun binitawan ko nga pero nadapa nanaman siya. This time binuhat ko na ulit siya at hindi na siya pumalag kasi sabi ko magiging peklatin na siya. Bumalik tuloy yung awkward atmosphere.
Nung malapit na kami sa classroom, nagsuggest na siya na ibaba ko siya pero hindi ko parin siya binaba hanggang sa marating namin yung classroom.
"Ang sweet ni Jade at ni Axis oh! Kainggit!" sabi nung babaeng mukhang palaka. Kahit kelan talaga ang mga babae, hindi maintindihan ang mind-your-own-business. Pero siyempre di lahat ng babae ganun.....
Ibinaba ko siya sa isang upuan sa last row at ibinaba ko na rin yung bag niya sa desk niya tapos umupo na ako sa tabi niya.