Warning: bad words/ maraming mura sa chapter na ito hahaha
JADE'S POV
Ilang weeks na rin ang nakalipas mula nung dinala ako ng Nightmare sa Holiday Hangout. Kasali na ako sa singing career nila pero for now, isa palang yung gig namin together. Hindi naman ako nagmamadali. Naglalakad pa ako nang may humigit ng buhok ko. Alam ko na agad kung sino iyon.
"UGH! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa unggoy sa likuran ko.
"Ayoko nga." sagot niya. Aba! Aba! Slave ko ito ah? Tumalikod ako para harapin siya.
"FYI, slave pa kita 'no? Kaya bitawan mo na ako!" napagtanto niyang tama ako kaya binitawan na niya kaagad ako. Sa nakaraang linggo naggagantihan lang kami ni Axis. Nagsimula iyon noong pinahiya niya si Vera.
"Tigilan mo na nga 'yang pantitrip mo sa'kin!" sigaw ko sakanya habang naglalakad papalayo. Naramdaman kong sumunod siya sakin. Napamura ako nang bigla niya uling hinatak yung buhok ko.
"Aba putangina!" nasigaw ko. Hala! Nagmura tuloy ako! Baka anong isipin ng mga tao rito.
"Ano bang problema mo ha Axis?! Diba sinabi kong wag mo na akong pagtripan?!" sigaw ko.
"Hindi naman kita pinagtitripan ah?" maang-maangan niya. Bobo ba 'to? Eh kakahatak nga lang niya sa buhok ko eh.
"Eh ba't mo hinatak buhok ko?!" galit na galit na tanong ko sakanya. Mukha kaya kaming mga nursery dito. Naghahatakan ng buhok. Ay mali, siya lang pala yung humahatak ng buhok =_=
"Binubwisit lang kita."
*facepalm*
Ay jusko patawarin sana si Axis! PILOSOPO ANG BWISIT!
"Fuck you." maikling sabi ko sakanya at tinalikuran siya. Parang kinakalimutan na niya ah? Slave ko kaya siya!
"Napapadalas yata pagmumura mo ah?" tawa tawa niyang tanong. Aba nagtaka pa talaga siya ah?
"Dahil yun sayo, g%g0!" sabi ko at tumalikod nalang ulit. Maya-maya ay naramdaman kong magkapantay na kaming naglalakad. Napairap at napailing na lang ako pero laking gulat ko nang maramdaman kong hinawakan niya iyong kamay ko. HHWW pa peg namin ngayon?!?
Magsasalita pa sana ako para tumutol pero agad niyang nilagay yung isa pa niyang kamay sa bibig ko kaya wala na kong nagawa kundi tumahimik.
"Wag kang magsalita kundi hahalikan kita sa harap nilang lahat." sabi niya. Teka teka, sa pagkakaalam ko siya ang slave ko ah? Akmang magsasalita ulit ako pero binigyan niya ko ng warning look. Di na ko nakapalag kasi baka nga totoohin niya yung paghalik sakin mapa-detention pa ko dahil banned and PDA sa campus namin.
"Uy look at Axis and Jade oh!" dabi nung echoserang gurlalu.
"Oo nga, bagay sila no?" sabi nung baklushing mukhang kuto.
"Hindi pwede! Akin lang si Axis!" kung kanina kukhang kuto, eto mukhang garpata!
Ayan na nga, nagsimula ng magbulong bulungan yung mga tao. Ugh. Of course, sikat ako, mas lalong sikat siya at ngayon magkaholding hands kami, anong mas tatalbog dun?!
Sa wakas! Nakarating na rin kami sa tapat ng classroom. Ako na ang unang bumitiw sa kamay naming magkahawak.
"Bakit?" tinry kong maging mahinahon kahit gigil na gigil na ko sa taong 'to!
"Bakit ano?" maang maangan niya habang nakapamulsa ang kamay.
"Oh please! I'm not playing games with you, Axis." i said then rolled my eyes.
"Actually, you are..." he said kaya tinaasan ko siya ng kilay. "...you know, we've been pranking each other, right?" once again, i rolled my eyes.
"Whatever. So, back to my question. Bakit mo nga hinawakan yung kamay ko?! Mamaya mapa-detention pa ko dahil PDA!" and there, i lost it. Pumutok na ang butse ko.
"Pwede ba minsan kumalma ka naman?!" sabi niya. "Kaya ko naman ginawa yun kasi..." panimula niya. Tumingan siya kung saan saan na para bang naghahanap ng matinong sagot. "Kasi...?" tanong ko.
"Kasi para mapatigil ko si Venice. Tama! Oo yun para mapalayo ko siya." sabi niya na parabg proud na proud sa sagot niya. Ano siya? Ms. Universe para maging ganyan ka proud sa sagot niya?
"Who on earth is that Venice and why the hell should i care about her?" i ask na naka-pameywang.
"Araw araw siyang umaaligid sakin. Kaya para si siya lumapit ngayon, hinawakan ko na lang kamay mo."
"Ginamit mo pa talaga ako ha?" sabi ko. So, ginawa lang niya yun para maging instrumento ako sa escape plan niya? Wow, just wow.
"I guess yeah." sabi niya na parang cool na cool lang habang ako eto sabog na.
"Unbelievable! Sa susunod, hahayaan ko na sina Joaquin na sirain yang kotse niyo, ay hindi IREREQUEST KO PA!" at padabog akong pumasok sa classroom. Bahala siya sa buhay niya!
AXIS' POV
"She's too cute when she's angry." natatawang sambit ni Rob. Nasa likod ko lang pala 'tong kumag na 'to. Nginitian ko na lang siya at sinabi-
"She's always too cute."
(A/N: Ngayon lang nakapag update huhu sarrehhhhh)