[11] They Can Sing

20 2 0
                                    

JADE'S POV



"Hoy! Buhay ka pa ba? Malelate na ko!!" sigaw nung bwiset na yun sa labas ng kwarto ko. Sino pa ba? Edi si Axis. Sobrang tagal ko na kasing nakakulong dito sa kwarto ko eh. Di ako makapili ng susuotin. Di ko alam kung bakit bigla na lang akong naging conscious sa susuotin ko eh dati naman wala akong pakielam.



"Heh! Maghintay ka diyan!" sigaw ko pabalik sa kanya. Kanina pa ako nagpapikot ikot sa walk-in closet ko at wala talaga akong mahanap na isusuot. Binuksan ko nang onti yung pinto at nakita ko si Axis na nandun parin sa tapat, naghihintay.



"Ehem." pagpaparinig ko para mapansin niya na binuksan ko nang onti yung pinto. Humarap siya saakin nang mukhang badtrip yung mukha.



"Ano? Ready ka na ba?" tanong niya pero kinagat ko lang yung labi ko.



"May dress code ba?" tanong ko at agad siyang nairita.



"Anak ng put- naman Jade eh!" galit niyang sabi habang kinakamot yung ulo niya.



"Kung sinasagot mo na lang kasi yung tanong ko edi sana nakakapagbihis na ako diba?" sarcastic na sabi ko sa kanya.



"Kahit ano! Kahit naman anong suotin mo di ka magmumukhang tao eh?!" nanlaki ang mata ko at padabog na sinarado yung pinto. Kahit sino namang babae, hindi matutuwa pag sinabihan silang hindi sila mukhang tao eh!



"Hay nako Jade!" nakalipas ang twenty minutes pero hindi parin ako lumalabas.



"Sige na maganda ka na! Kaya kahit anong suotin mo diyan maganda ka pa rin!" O.O ano daw? Bakit out of nowhere bigla niyang sinasabi yan? Baka dahil nahulaan niyang kaya ako nagtatagal pa rito ay dahil sa sinabi niya kanina.



Parang bigla akong naging si The Flash sa sobrang bilis ng pagkilos at pagbihis ko. I ended up wairing a dark purple shirt and black jeans tapos sneakers. Pagkalabas ko, nakaupo na si Axis sa lapag. Nang napansin niyang lumabas na ako eh napatyo siya agad.



"Katagal-tagal mo sa kwarto mo, iyan lang pala susuotin mo!" sigaw niya agad sakin. Di ko na lang siya pinansin at naglakad na ako pababa. Napansin ko na lang na kasabay ko na pala siyang naglalakad.



Nang makapasok kami sa sasakyan niya ay pinaharurot niya kaagad ito dahilan ng pagka-haggard ko.



"Ano ba yan?! Magdahan dahan ka naman, punyemas naman eh!" saway ko sakanya pero sobrang bilis parin ng pagmamaneho niya.

More Than SlavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon