JADE'S POV
Simula nung umuwi ako galing sa ospital, palagi ko ng katext si SECRET. Sorry, wala akong maisip na pangalan sakanya eh. Lutang parin nga ako bago umalis sa hospital kahapon eh. Check ako ng check dun sa form kahit wala akong maintindihan.
Walking through a crowd
The village is aglow
Kaleidoscope of loud heartbeats
Under coats
Everybody here wanted something more
Searching for a sound we haven't heard before
Tinignan ko yung phone ko at may tumatawag.
Secret calling.....
Bago ko pa masagot, inend na niya. Sayang, pagkakataon ko na sanang malaman kung sino siya. Hanggang ngayon kasi ayaw pa niyang i-reveal ang true identity niya. Ako na lang kaya tumawag sa kanya?
Dialing....
*kruuu kruuu*
Eh oo nga naman. Malamang hindi niya sasagutin -_- Napabuntong hininga ako at humiga na muli sa kama ko. Napag-isip isip ko na pwede ko namang ipatrack si Secret kaso parang gusto ko na ako mismo ang makadiscover ng real identity niya.
*zz zz zz zz* (A/N: VIBRATION PO YAN WAHAHA)
May nagtext sakin. Sino pa ba? Edi si Secret.
Sorry natawagan kita, napindot ko lang.
4:05 pm
From: Secret
Hindi ako pumasok ngayon, sabi nung doctor eh. Napaupo ako muli sa kama ko. Para nga akong baliw dito eh. Uupo tapos hihiga tapos uupo ulit. Buti nalang mag-isa lang ako ito sa kwarto.
Okay lang, tinawagan nga kita eh kaso inend mo :(