[5] Awkward Atmosphere

41 14 9
                                    

JADE'S POV



"So talagang pinaninindigan nila yung pagiging slaves nila?" tanong ko sa sarili ko pero turns out na tanong ko na rin kay Sophia kasi magkatabi lang kami ngayon sa cafeteria.



"Ayaw mo nun bebs, buti nga pati ako damay eh hihihihihi...tapos may libre pang hot na fafa hhihihihi.." kahit kelan ang landi nitong babaeng to kaya ko palaging nababatukan eh!




"Gaga, landi mo talaga..." Paano naman kasi, hinawakan lang 'daw' ni Patrick yung kamay niya at niyaya siya sa date, akala mo sila na pero maybe dun rin punta nila. Aaaaaah! Basta.




"Sus, bitter much ka teh? Porket 'PALAGING' sawi sa pag-ibig, ayaw na uli? Basta ako forever na go sa lovelife." agad kong inambahan ng suntok pero napigilan niya. Dami kasing sinasabi nito eh.





"Boba walang forever!"




"Sa taong bitter." tinignan niya ako with her ano-tama-ako-diba look.




"Alam mo gurl, hindi porket nasaktan ka ng isang damakmak na beses eh titigil ka na sa pagmamahal. That's part of life. Hanapin mo lang yung 'the one' mo. And speaking of that... ayan na si prince charming mo ayieeeee..." kinurot kurot ako sa tagiliran ni Sophia nung nakita niyang papalapit si Axis. Siniko ko agad siya.



"Gaga ka talaga!" sisikuhin ko sana ulit siya kaso nakatayo agad.



"Oh, ayan ka na pala Ax, una na ko ha? May klase na ako in 10 minutes eh bye bebs! Enjoy!" ugh bwiset talaga forever si Sophia!



"Uhmm..... history na... classmates tayo.." nahihiyang sabi ni Axis. Parehas naman kami eh dahil dun sa pesteng halikan moment na yun.



"Ah oo nga...." at para hindi na maging awkward ang paligid ibinato ko sa mukha niya yung bag ko.



"Dalhin mo yung bag ko, slave." then ngumiti ako at naunang maglakad. Nakasnod agad siya sakin. Wow ang laki ng steps niya ah. Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na pala siya.




"Ano bang laman ng bag mo? bato? bigat ah.." sabi niya.




"Ha? Kung nagrereklamo ka, akin na." sabi ko sakanya pero sa totoo lang 9 books ang laman nun bwahaha.

More Than SlavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon