[1] The New Group

117 15 9
                                    

A/N: Dedic po kay @Dianne-o-sauRoaR kasi nagbigay siya ng advice sa paggawa ng prologue. Kk!



JADE'S POV



Noong bata pa ako, excited na akong marating yung climax ng buhay. Yun bang part sa buhay na pinakaimportante.



Ang buhay kasi parang isang libro. May beginning, may plot twist sa gitna at siyempre may ending.



Ano nga ba yung sinasabi kong climax ng buhay? Edi ang maranasang magmahal at kapag nagmamahal..... nasasaktan. Ngayon pinagsisisihan ko ng ginusto ko yun nung bata ako, dahil ngayon at alam ko na yung pakiramdam, parang gusto ko na ulit bumalik sa pagiging isang bata. Inosente, laro lang ng laro na parang walang problema sa buhay.



"JADE ANGELA RAMIREZ! Wag mong sabihing iniisip mo nanaman yung walang hiya mong ex! Nako sabihin mo lang kung nilapitan ka niya ulit ako na mismo ang sisipa sa ba-"


"Bebs stop, hindi ko siya iniisip okay? Pwede bang manahimik ka kahit isang minuto lang?" Kahit kailan talaga ang daldal daldal nitong si Sophia.



"Sorry naman, masyado ka kasing natahimik eh, malay ko ba kung iniisip mo nanaman si Joaquin." napatingin ako sakanya nang masama.



"Ay sorry bebs, nakalimutan ko hihihihihi." eto nanaman siya sa pa-cute niya. Pasalamat siyang bestfriend ko siya kundi nasuntok ko na.



"Eh okay lang. Bakit nga ba ako nagpapaapekto na pati pangalan niya bawal sabihin. Ano siya, si Voldemort?" pumalakpak si Sophia at hinampas ako sa braso kaya napatingin ulit ako sakanya nang masama habang hinahawak ko yung braso kong nahampas.



"Yan! That's my bebs, pursigidong makapag move on! Go GO GO!"



Ay oo nga pala, ako si JADE ANGELA RAMIREZ, 17 years old from Pasig City! My motto in life is- ay wait ano bang pinagsasasabi ko? So yun, 1st year college ako, BA JOURNALISM. Aaminin ko, matalino ako, mayaman at pak na pak sa kagandahan! Di ko nga alam kung anong kulang sakin at hiniwalayan ako nung lecheng Joaquin na yun eh! Aba! Di hamak na mas maganda ako dun sa babae niya.



Ito namang katabi ko ay ang baliw kong bestfriend, matalino rin (pero mas matalino ako), maganda (pero mas maganda ako) at mayaman (magkasing yaman lang siguro). Katulad ko habulin din yan ng boys, pero pag nakikita ako nung mga manlilogaw niya, napupunta sila sakin BWAHAHAHA. Oh honey, i'm the campus queen!!



"Ay soph, aattend pa pala ako ng seminar sige bye!" di na siya sumagot kasi busy siya sa pagtetext niya sa boyfriend niya ata. Pagkatalikod na pagkatalikod ko, boom nakita ko ang Fart Melt este Dark Belt. Ang Dark Belt lang naman ang grupo nina Joaquin na sikat na sikat dito sa East Venus University, sus akala mo naman kagagwapo nila eh ang papanget naman! Lalo na yung Joaquin na yan! At aba, kasama niya yung malanding babae niya! Sige magsama kayo!

More Than SlavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon