JADE'S POV
Sa totoo lang medyo kanina pa ako gising kaso tinatamad lang akong dumilat. Gumalaw ako nang kaunti tapos narinig ko sumigaw si Sophia.
"Gumalaw si Jade! Teka tatawagin ko yung doctor!" tapos tumakbo na siya siguro papunta dun sa pinto at umalis. Di parin ako dumidilat eh. Maya-maya narinig ko bumukas ulit ung pinto at sumara rin ulit. Ang bilis naman yata ni Sophia?
Saktong pagkasara ulit nung pinto dumilat na ako.
"Jade?" sabi ni Gabriel.
"May masakit ba sa'yo? Teka lang ha, tinawag na ni Sophia yung doctor." alalang-alala na sabi ni Gab.
"A-ah okay lang ako. T-thank you nalang sa concern." sabi ko pabalik kay Gab.
"Heroine, gising ka na?!" gulat na sabi ni Rob sabay lapit sakin at ganun din si Tristan at si Patrick. T-teka, parang kulang sila. Nasaan si Axis?
Psh, asa pa akong pupunta yun. Baka nga asarin pa ako nun kung nandito yun kasi nagpasabi-sabi akong wag niya na akong tulungan kahit kailan pero tinulungan niya ako. Aish! Ma-pride kasi ako masyado.
Pero teka, di ko naman siya inutusan na tulungan ako diba?
Oh edi baka tepok ka na ngayon kung 'di ka niya tinulungan! Tanga mo!
Ayyy, ano ba naman 'tong konsensya ko. Pero sabagay tama nga siya, baka may mangyari pang masama sakin kung hindi ako agad binuhat ni Axis at naidala rito.
"Umalis na si Axis." sabi ni Rob. Siguro napansin niya na parang may hinahanap ako.
"H-ha? B-bakit mo sinasabi yan? Halata naman oh. Hindi ko naman siya hinahanap." natawa si Rob at umiling-iling.
Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Sophia kasunod yung doctor.
"Mabuti at gising ka na, kasi kung tumagal pa ng 24 hours yung tulog mo maari kang ma-comatose kahit hindi naman major damage ang nangyari sa iyo. Sa bandang brain parin kasi eh. Mag-iingat ka na sa susunod okay? For now, magstay ka na muna overnight para maobserbahan kung wala talagang na-damage." mahabang litanya ng doctor at bukod diyan ang dami pa niyang sinabi pero hindi ko na narinig kasi iniisip ko parin si-
Oo na iniisip ko na si Axis -_- Bakit ba kasi siya umalis?