[4] In His Car

48 14 8
                                    

JADE'S POV



Kanina pa nakangiti 'tong ungas na 'to ah parang nanalo sa lotto tapos parang kaunti na lang sasabog na siya sa tawa. Tapos bigla niyang pinaharurot yung sasakyan niya kaya napilitan akong magsuot ng seat belt.



"Hoy ano bang problema mo? Kanina naabutan kita kasi mas mabagal pa sa pagong yung pagmamaneho mo tapos ngayon grabe ka parang pinalilipad mo na 'tong kotse?!?!" At ayun na nga ba sumabog na siya at tawa ng tawa.



"Ay sige, ako na hindi makagets. PWEDE BA AYUSIN MO YUNG PAGMAMANEHO MO KAYSA TUMATAWA KA DIYAN NANG HINDI KO ALAM ANG DAHILAN!!!" Sumabog na rin ako, pero dahil sa inis hindi dahil sa sobrang pagpipigil ng tawa.



"Sorry sorry, akala ko kasi mahahalata mo agad eh." di na siya masyadong natatawa pero abot langit parin yung ngiti niya at moderate na lang din yung speed ng pagdadrive niya.



"Ang alin?" imbes na sumagot eh may kinuha siya dun sa may left side niya na isang ice pick.



"Oh ano gagawin mo diyan? Papatayin mo ko?" lalo siyang tumawa sa sinabi ko Bakit may mali ba sa sinabi ko?



"HAHAHAHAHA Hulaan mo! Di ko sasabihin, walang clue." tapos binelatan niya ako. Ang cute pala niya 'no? Hindi lang gwapo, cute rin. Ay teka, ano bang sinasabi ko dito?



"Okay, wala naman akong pakielam eh. " pero sa totoo lang, I'M DYING TO KNOW! Isa akong curious na tao kaya pag may nalaman akong isang bagay, pag-aaralan ko talaga siya at iisipin nang matagal.



"Sure ka? Baka di ka makatulog niyan ah." sabi niya habang diretsong nakatingin sa daan.



Ang tagal na rin namin sa byahe. Bukod sa malayoa ng school eh saksakan ng traffic. Pero kahit ganun, hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit siya tumawa nang malakas, naglabas ng ice pick at kung anu-ano pa. NAhihiya naman akong itanong sakanya kasi nga diba hulaan ko raw. Tapos di naman nga ATA kami CLOSE.



"Hoy, hulaan mo na kasi." At last, nabreak ang katahimikan at nagsalita siya.



"Uhm sige................." nag-iisip pa ako ng hula.


".... nakapatay ka ng tao gamit ang ice pick, pinugutan mo siya ng ulo at kayanka tumatawa kasi nagtagumpay ka?" alam kong walang ka-sense sense yung sinabi ko pero yan kasi yung unang pumasok sa isip ko eh.



"Ano?! Mukha ba akong killer? MALI YANG HULA MO!"

More Than SlavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon