JADE'S POV
Ano bang pwedeng magawa? Parang ayoko pang umuwi eh. Buti pa si Sophia may kasama tapos ako wala huhu. Kinuha ko yung phone ko at naglaro muna ng 2048. Biglang may nagtext.
Pumunta ka sa East Garden.
3:00 PM
from: 0905*******
Yung east garden yung magandang flower garden dito sa school. Madalas may mga nagpopropose diyan at maraming mga PDA couples na nandiyan kaya minsan lang ako pumunta.
At bakit naman? Sino ka ba? Malay ko ba kung kidnapper ka.
Maglalakad na sana ako ulit palabas ng school kaso napatigil ako kasi nagtext ulit siya.
Si Axis 'to. Dali na, may sasabihin lang ako.
3:02pm
From: 0905*******
Parang bigla akong kinabahan. Bakit niya ako pinapapunta dun? Di kaya aamin siya ng feelings niya sakin? Ang bilis namn yata nun. Sabagay ayaw ko sa torpe. Di na ako nagreply at dumiretso na lang. Bored din naman ako eh. Bahala na.
Nung nakarating na ako dun, parang wala namang tao. Sumilip ako sa paligid at pailan-ilan lang yung tao. Tinignan ko yung bench sa may tapat ng fountain medyo malayo tapos napansin kong may papel na nakadikit sa sandalan at may nakalagay na "JADE" Naglakad ako papunta dun sa upuan nang biglang-
*SPLASH
Natapilok ako kasi may bato at kung minamalas nga naman eh naglanding ako sa fountain. Biglang dumami yung tao sa paligid.
"Jade? Bakit diyan mo pa naisipang maligo?" Tanong ni Echoserang Frog.
"Oo nga Jade, uwian niyo na rin naman. Pwede ka namang maligo sa bahay niyo." sabat ni echoserang pig.
Nakita ko sa may dulo ng garden si Axis at sina Rob- tumatawa. GRRRR! Sinet-up niya ko? Humanda siya sakin!!!
Tumayo ako dahil masyado na akong mukhang tanga. Hindi parin naaalis yung tingin ko kina Axis hanggang sa nakita nila akong palapit eh nagtakbuhan ang mga kupal.
Nagsimula na akong maglakad paputang locker room. Buti na lang may extra akong damit dun. Pero pagbukas ko ng locker ko, nawala yung damit ko! PUTSPA NAMAN!
