Arianna's P.O.V.
He said it was a letter-a written message of some sort, but it wasn't. Sa halip na sulat, isang folder ang aking natagpuan. May laman itong mga papeles na nagpepetition na ma-annul ang aming kasal. Ang nakasaad na grounds for annulment: Fraud (1).
Panloloko raw sa aking panig dahil sa; una, pinaniwala ko raw siya na siya ang tunay na ama ng aking anak sa ibang lalaki, at pangalawa, ay dahil niloko ko raw siya na huminto na ako sa pagiging alcoholic at the time of a our marriage.
All signed by Rafael Guererro.
I went disoriented for a while. Kaya't para na akong baliw na nawawala sa aking sarili sa loob ng simbahan. Nakaluhod na binagtas ko ang napakahabang aisles ng Simbahan. Crying non-stop. Trying to understand why he has to be too sweet to me when he mentioned about 'a letter' he left for me underneath our washing machine. Anong purpose noon?
Kung sasaktan din naman pala niya ang kalooban ko, bakit kailangan pa niyang magpanggap na Ok kami?
Bakit kailangan pa niyang magpanggap na gusto na niya ako at namimiss niya ako, kung ang totoo naman pala ay... gusto na niyang tuluyang makipaghiwalay sa akin.
Nang dahil tuloy doon, nilito lamang niya ako at pinaasa. He made me expect a letter that'll give me some kind of hope and relief, yet it turned out to be something that made me metaphorically feel brutally whipped all over my body instead.
"Miss, ok ka lang ba?"
Tinig iyon ng isang lalaking, halos hindi ko na maaninag sa dami ng mga luhang dumadaloy sa aking mga mata.
Hindi ko siya sinagot. Bagkus, ay nagdire-diretso lamang ako sa paghagulgol na para bang walang mga taong nakakita sa akin.
"Miss... Miss..." Paulit-ulit na pagtawag niyang unti-unti nang humihina. And before I totally find out what exactly is going on, everything went blank-and my surrounding, very quiet.
***
"Hi." Pagbati sa akin ng isang lalaki, sa pagmulat ng aking mga mata.
Nagulat ako. Masyadong kasing malapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Akala ko tuloy ay hahalikan niya ako, kaya't ang naging first impulse ko ay ang sampalin siya.
"Hey!" Nakasimangot na sambit niya, "What f-ck is wrong with you?"
"Anong nangyayari, Sir?" Mula sa humahangos na matadang lalaki papasok sa driver's seat mula sa labas.
Dito na kasi ako nagising sa likuran ng isang magarang kotse. At nagising ako na katabi ko na roon sa likod ang lalaking nasampal ko. Naka-suit ito na itim, clean-cut ang buhok, mestisuhin matangos ang ilong, magaganda ang mga mata, natural na mamula-mula ang mga pisngi nito at mga labi. At sa hitsura at tono pa lamang ng pananalita niya, ay halata ko na kaagad, na may sinasabi ito sa buhay.
"S-sorry," Nang ma-realize ko ang pagkakamali ko. "N-nagulat lang ako."
"Nagulat?!" Namumula na siya sa inis, "Nanampal ka ba talaga kapag nagugulat ka?"
"Eh, s-sorry, a-akala ko kasi hahalikan mo ako."
'Yun namang biglang lingon niya at tiningnan ako na parang gusto niya akong sakalin.
BINABASA MO ANG
Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]
General FictionStandalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2016 PUBLISHED by PSICOM A must read novella under Reedz #1 https://psicomshop.com/products/reedz-vo...