Arianna's P.O.V.
I have never been this happy before. Noon, akala ko, masaya na ako na may minamahal ako, kahit hindi naman ako mahal nito. Pero mas masarap pala ang may nagmamahal, lalong-lalo na kung natutunan mo na ring lubusang mahalin ang nagmamahal sa 'yo.
I am so happy with Anton, and I have come to love him with my whole heart and soul. Itonodo ko na, wala na akong itinira. Dahil kung may lalaki mang deserving na mahalin na lubos, siya na 'yun.
Sa pakiusap ng mga kapamilya ni Anton, bumalik na rin kami sa Mansyon. Naaawa na rin kasi ako kay Anton dahil sa pagtitiis niyang mawalay sa anak niya at sa pagtira sa mainit at maliit kong lungga, para lamang makasama ako. I think he have proven enough how much he loves me, kaya it's about time to take him off the burden of my little quirks.
I love him very much.
He and everything about him.
I love the way he prioritizes me over anything. Kahit pa ang kapalit nito ay ang pinaka-importante niyang business deals.
I am so in love him na minsan naiiyak na ako sa sobrang galak. Hindi ko kasi akalain na magiging ganito ako kasaya. Hindi ko akalain na mangyayari pang magmamahal ako ng isang tao, nang higit pa sa pagmamahal ko kay Rafael noon.
I remember how much I love Rafael before, pero dahil kay Anton, nakalimutan ko na ang pakiramdam no'n. And because of that I could gladly say, na si Anton na talaga ang mahal ko. Kanyang-kanya na ako nang buong-buo.
"Hey." Paggising niya sa akin isang umaga. May hawak-hawak siyang bed tray na ipinatong naman niya sa kama, "Breakfast in bed sunshine." Iniabot niya sa akin ang isang long-stemmed white rose at saka niya ako hinalikan sa noo.
"Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba mag-a-out of town ka ngayon?"
"Na-cancel. It's a good thing though. At least, we could have a weekend together. Plus, masasamahan kita para maasikaso na natin kung ano pa ang kulang sa ating kasal next week."
Gosh, he's so gorgeous. Napakaaliwalas ng kanyang mukha, na para bang nakakakita ako ng isang tunay na anghel mula sa langit. I am head over heels about this man and it tickles me that he's going to be my husband pretty soon.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.
"Are you saying that you're free the whole week before our wedding?" Nakabungisngis ako.
"Yes." Hinalikan niya ako. "I love you, Aria."
Hinalikan ko rin siya, "I love you too, Anton." As a burst into tears.
"O, bakit ka umiiyak?" Inaakap niya ako.
"I'm just too happy, Anton." Tuloy-tuloy ang pagluha ko. "I never thought I could be this happy."
"Shhhhh... sobrang happy rin ako Aria." Bulong niya, "Pero sana naman, ipangako mo sa akin na hindi mo ako iindyanin sa ating kasal ha? Darating ka ha? Maghihintay ako sa altar." Umiiyak na rin siya, "Kahit ma-late ka, basta't darating ka ha? Maghihintay ako."
"Pangako. I'll be there."
"Huwag mo akong ipagpapalit sa ex mo ha?" Natawa siya
Natawa na rin ako, "Sira." Hinataw ko siya sa dibdib. "Pangako ko sa iyo. Hindi man ikaw ang una, pero ikaw na lang ang kahulihulihang lalaking mamahalin ko.
"Talaga?!" Nakangiti siya pero lalo siyang naiyak.
"Talagang-talaga."
"Talagang-talagang-talaga?" Kiniliti niya ako.
"Kahit ilang talaga pa, ikaw na lang talaga."
Muli kaming nagyakapan nang mahigpit na mahipit.
***
Si Cheska ang nagdesign ng gown ko. Simple lang pero elegante naman. Nakakatuwang hands-on ang buong pamilya sa paghahanda. Ni wala akong ginawang malaking effort para makumpleto maging ang pinakamaliit na detalye.
My parents came over 2 days before our wedding. Ang mga Gutierrez ang nag-imbita sa kanila without my knowledge. Basta't nasurpresa na lamang ako na naroon sila at naghihintay sa akin, lalo na nang sinalubong nila ako ng yakap; umiiyak.
"We're sorry anak hindi namin alam na ganun pala ang iyong pinagdaanan." Umiiyak na sabi ng aking ina. Mukhang sinabi na sa kanila ng aking magiging mga biyenan, ang lahat-lahat ng nangyari sa akin. "Ang sabi kasi ni Brianna, ikaw ang naglayas. Iniwan mo raw si Rafael at sumama ka sa ibang lalaki. Hindi naman namin alam na magkasabuwat sila ni Rafael para magalit kami sa 'yo."
"Patawarin mo kami, anak." Sabi naman ng aking ama.
"Kalimutan na po natin 'yun. Ang mahalaga, alam niyo na. At naririto kayo para samahan ako sa pinakamasasayang araw ng buhay ko." Nagyakapan kami, habang ang nga magulang ni Anton ay nakangiting pinapanood lamang kami.
"So paano ba 'yan mga balae," Sabi ni Donya Conception, "Handa na ba kayong naghabol ng mga apo?"
"Handang-handa na." Magkasabay na sabi ng aking mga magulang.
"Ano bang nagyayari do'n sa isa niyong anak?" Tanong ni Don Pedrito sa mga magulang ko. "Bakit ba ganun na lang ang pagkamuhi niya kay Arianna?"
"Sana nga, alam namin, pero hanggang ngayon," Sagot ni Mama, "Hindi pa rin namin gaanong maintindihan. Ayos naman siya kapag kausap namin. Matino naman. Kaya nga nagtataka kami na may mga ginagawa pala siya nang hindi namin alam. Kaya't tanggapin niyo ang pasasalamat namin sa pagkupkop ninyo sa aming anak na si Arianna. Maraming-maraming salamat mga balae. Tatanawin naming habang buhay na utang na loob ang kabutihang ibinigay niyo sa aming anak."
"Mas maraming salamat sa inyo," Sagot ni Donya Conception. "Dahil kung hindi ninyo iniluwal sa mundo ang inyong anak na si Arianna. Hindi magiging ganito kasaya ang anak naming si Anton."
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]
General FictionStandalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2016 PUBLISHED by PSICOM A must read novella under Reedz #1 https://psicomshop.com/products/reedz-vo...