Arianna's P.O.V.
"Anton!" Si Donya Conception. Napalingon kaming pareho ni Anton. Nadidinig pala niya ang mga sinabi sa akin ni Anton. "We need to talk." Nakatutok ang tingin niya sa kanyang anak. Seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Now?" Nakangibit na reaksyon ni Anton.
"Yes! I'll meet you at the poolside." Nauna na itong umalis.
'Yun namang naka simangot na pagbaling sa akin ni Anton, "Stay away from my daughter." At saka ito yumuko kay Kylie at, "Do'n ka na lang kay Tita Cheska, ok?"
Tumingala sa akin si Kylie at tiningnan ako. Malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha, bagama't nanlulumong sumunod naman siya sa kanyang ama.
I'm a stranger to everybody. An outcast. That's the sad truth. Nobody wants me. Not even my own blood. Minsan nga, naitatanong ko na rin sa aking sarili. Ano ba ang dapat kong baguhin sa pagkatao ko, para naman kahit papaano'y may magkagusto naman na makasama ako?
Should I be more altruistic? How much more, then? Sa pagkakaunawa ko sa pagkatao ko, hindi naman ako makasarili.
Dumungaw ako sa may balkonahe, at do'n natanaw ko-at medyo naririnig, ang pagtatalo ng mag-ina. Anton was insisting that I should leave-the sooner, the better. He was blaming his mother for ruining the Family Christmas tradition, na sila-sila lamang dapat ang magkakasama kapag ganitong okasyon. Ang pamilya. Ang pamilya... nila. Wala raw talaga siyang tiwala sa akin. Kesyo malakas daw ang kutob niya na kasabwat daw ako ni Brianna. Ayaw niyang maging close ako kay Kylie, dahil baka raw 'yun ang gamitin ko laban sa kanila. He sure is Paranoid, or maybe, overly protective. And for that, I am so jealous of their family. Ang sarap siguro ng pakiramdam ng may pumuprotekta... ng may nagtatanggol. Ang sarap sigurong maging miyembro ng kanilang pamilya.
And then he mentioned to his Mom about what he heard I did to my own child. According to his so-called reliable source, I apparently wanted my son dead-if not aborted. Kesyo ako raw ang nagpapabili sa kaibigan ko ng mga gamot at herbal products na pampalaglag. Ginawa ko raw 'yun para hindi mabuking ni Rafael na hindi kanya ang aking ipinagbuntis.
He's really very rude, not to everybody, but only towards me. I want to think it's only about him not trusting me because I am Brianna's sister-or what he thinks I did to my child, but I don't exactly feel that way. I think, there is something else na hindi ko matukoy-tukoy kung ano. But whatever that deeper reason is, one thing is certain. He doesn't want me close. He doesn't want me in their household. Most especially during special occasions.
"Are you done? Now listen to me..." Nadinig kong sabi sa kanya ni Donya Conception after his furious rants. Pero noon na rin ako umalis sa balkonahe at nanlulumong pumasok sa silid na tinutuluyan ko.
I really need to go. But, where to? Magpapalaboy-laboy ba ulit ako? Hindi pa ako nakakapag-umpisa sa trabaho. Hindi pa ako sumusuweldo. Wala pa akong pera. Saan ako pupunta?
Sa ilang minuto kong pag-iisip, ay may naalala ako. Si Cedrick. 'Yung lalaking nagbigay sa akin ng kanyang numero. Ang kaso mo, nasaan kaya siya? Alangan naman na paskong-pasko ay aabalahin ko siya. Pero, bahala na, kailangang-kailangan ko lamang talaga.
Kinuha ko ang cellphone ko. Pero nagda-dial na ako nang maalala kong common paid account nga pala namin ni Rafael ang linya ng aking cellphone. Dahil doon ay 'yung landline na lamang ang naisip ko-na meron namang extension sa guestroom na tinutuluyan ko.
BINABASA MO ANG
Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]
General FictionStandalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2016 PUBLISHED by PSICOM A must read novella under Reedz #1 https://psicomshop.com/products/reedz-vo...