KABANATA 19

20.8K 754 65
                                    

Arianna's P.O.V.

There was an awkward silence after that. Lalo na habang naglalakad kami pabalik sa mansyon. Hindi pala siya gumamit ng sasakyan sa paghahanap sa akin, thinking na hindi rin naman daw ako makakalayo dahil wala rin naman akong sasakyan.

"Ahm, Anto-S-sir-" Nalillito talaga ako kung ano ang itatawag ko sa kanya. Daig ko pa ang naglalakad sa alambre na ninerbyos magkamali sa pag-apak.

"Anton." Anya, "Anton na lang." Hindi siya nakatingin. Bitbit niya ang lahat ng mga bag ko, except of course, sa trolley luggage na hila-hila niya.

"Are you sure?"

"Kasasabi ko lang." Masungit na sagot niya.

"Nagtatanong lang po, bakit ba ang sungit mo naman." Medyo natatawa ako.

Hindi siya sumagot.

"Ahm, t-tungkol do'n sa kanina gusto ko lang malaman kung anong ibig sabi-"

"Wala 'yung ibig sabihin. Stop rubbing it in." Diretso pa rin ang tingin niya.

"Paano kaya 'yun." Bulong ko, "Basta na lang nanghahalik tapos wala raw ibig sabihin."

"Anong sabi mo?" Naiiritang pagbaling niya sa akin. Salubong ang kilay.

"Wala!" Pairap na sagot ko, "Ang sabi ko ang cute mo, kaso ang sungit mo naman."

Hindi siya sumagot.

"Ahm, galit ka pa ba sa 'kin?"

"Ano sa tingin mo?!" Pinanlisikan niya ako ng mga mata.

"Grabe ang sungit naman." Bulong ko ulit.

"Anong sinabi mo?!" Mas salubong na ngayon ang kilay niya, kumpara sa kanina.

"Wala po, ang sabi ko napaka-sweet mo naman, ikaw pa ang nagbibitbit ng mga gamit ko."

Hindi ulit siya sumagot. Dirediretso lamang sa paglalakad ng marahan.

"Ahm, tungkol do'n sa-"

"Ganyan ka ba talaga kakulit?!" Huminto kami sa paglalakad.

"Eh..." Habang nakatingala sa kanya, pinipisil-pisil ko ang aking magkabilang kamay, "Medyo."

"Jeez-o-pete!" Pairap na nagbuntong-hininga siya. Nagtuloy-tuloy ulit kami sa paglalakad.

"Eh gusto ko lang naman malaman kung bakit mo ako hinalikan nang wala naman palang ibig sabihin."

Huminto ulit siya sa paglalakad at bumaling sa akin, "Eh sa wala ngang dahilan eh, anong gusto mong marinig, na may gusto ako sa 'yo? Wala akong gusto sa 'yo 'no, lalo pa't kamukha mo pa 'yung babaeng—" Parang hirap na hirap siyang maghagilap ng salita, "Ewan!" Muli siyang humakbang. Nakisabay naman ako

"Bakit ba nakasigaw ka agad, para nagtatanong lang eh. Mabuti na 'yung malinaw. Baka mamaya niyan, isipin ko na may gusto ka sa akin tapos... maniwala naman ako." Pabulong ang huling tatlong salita.

Hindi siya sumagot.

"Ahm-" Nang malapit na kami sa may gate ng Mansyon.

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon