Arianna's P.O.V.
I really miss Anton. 'Yung amoy niya. 'Yung mainit na yakap niya. 'Yung magandang ngiti niya. 'Yung tunay na pagmamahal niya sa akin.
Pagod na akong umiyak sa pangugulila sa kanya, pero hindi ko pa rin napigilan ang hindi mapaluha.
God I really miss him, and I am dying inside each day living without him—and it never gets easy everytime I come to realize, that he's no longer beside me.
Limang buwan na ang nakalilipas, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ang sakit-sakit pa rin sa aking dibdib, lalo na't kasabay pa nito ang unti-unting paglaki ng aking tiyan.
Everything that has happened to my life made me ask myself; Bakit gano'n ang buhay ko? Bakit parang kay tipid namang magbigay ng kaligayahan para sa akin? Buong buhay na akong nagdurusa at namamalimos ng pagmamahal, at nang may dumating na magmamahal sa akin, binawi naman kaagad ito.
Bakit gano'n?
Ano ba ang nagawa kong masama para danasin ang ganitong kabiguan?
Ano bang naging kasalanan ko sa Maykapal para bigyan niya ako ng ganitong klaseng kapalaran?
***
The bitch is pissed. Unfortunately, the bitch looks exactly like me. She's being crossed examined in a whole new murder trial for the murder of Walter Soriano. Pero wala na siyang kawala, kahit pilit pa rin niyang itinatanggi ang kanyang ginawa. Matibay ang ebidensya sa kanya. It's a video with her in it. Isang video na kahit si Rafael, ay tikom ang bibig kung paano nila nakuha.
But I guess it's true, misery wants company and she doesn't want to go down without the person who betrayed her.
"Aria!" Sigaw ni Brianna, matapos siyang masentensyahan ng guilty for the murder of Walter Soriano. Nagwawala ito. Pigil-pigil siya ng dalawang court marshalls. "Listen to me!"
Napatingin ang lahat sa kanya.
"Rafael killed Anton!" Humalkhak ito na parang nababaliw. Hinagilap ng mga mata ko sa Rafael sa Audience. He was shaking his head. Nakangisi.
Napakunot ako dahil doon.
"Aria listen to me!" Sigaw ni Brianna. "Rafael killed Anton! He killed him because I told him so." Nagkatinginan kami ni Ate Alessa habang ang Mama naman ay umiiyak na hawak ni Cheska. "I told him to kill him and chop him to pieces." Humalakhak ito. "Poor Aria!" Parang baliw na hiyaw niya. "Her ex killed Anton to win her back!"
Muli akong tumingin kay Rafael. Nakangisi ito na para bang he's greatly entertained by Brianna's accusation. Pero nang dahil din sa reaksyon na 'yon ni Rafael, ay mas lalo akong nabahala.
Is it true? Rafael killed Anton? What the heck is going on?
"And you!" Sigaw ni Brianna habang nakikipagbuno sa court marshalls. Itinuturo niya si Ate Alessa. "How well do you know your ex husband huh?"
Nagkatinginan kami ni Ate Alessa, bago namin tiningnan ng magkasabay si kuya Melchor. Halatang naging aburido ito.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.
"Siya! Siya ang kasama kong pumatay kay Walter! Siya mismo ang sumaksak kay Walter! He is the masked guy with me! I have proof, I have proof!"
"Melchor?!" Utas ni Mama. Hindi naman ito makalingon sa kanya.
"Ano Melchor ha?! Aamin ka ba o hindi? I told you, I am not going down alone. I will take you with me!" Hinahatak na si Brianna ng mga court marshalls.
"Wait!" Sinigawan sila ni Ate Alessa. "Let her speak first!" Nanginginig ito sa galit.
Nagtatangka na sanang tumakas si Kuya Melchor pero hinarangan siya ng mga concerned audience.
"Your ex," Nakangising sabi ni Brianna kay Ate, "Killed Walter." Lumakas ang bulong-bulungan. "He killed Walter because he was rumored to replace him in your textile company. And because he, thinks it's Anton's idea, he wanted your dear brother dead too. And so we had Rafael do it. Rafael killed Anton. Now? Shouldn't you put that guy!" Itinuro nito si Kuya Melchor, "And that guy, in jail with me as well? Wala akong pinatay! Silang dalawa ang may pintay? Pero bakit ako lang ang ikukulong niyo, Ha?!"
"I knew it! You crooked bastard!" Nagwawalang pinaghahampas ni Ate Alessa si Kuya Melchor. Pinabayaan lang naman namin siyang magwala. "And you!" Umiiyak na dinuro nito si Rafael. "You killed my brother!" Sinugod nito si Rafael na naawat naman ng mga tao matapos niyang sampalin si Rafael ng ilang beses.
Natutulala na lamang ako sa aking mga naririnig. Lalo na ang lumalabas na, ang dati kong mahal, ang pumatay sa mahal ko.
Nanlata ako, kaya't napaupo na lamang ako at muling umiyak sa aking mga naririnig.
Isang malakas na halakhak ang binitawan ni Rafael sa kabila ng pagwawala at pananakit sa kanya ni Alessa.
Lalo akong napakunot sa pagtataka sa kanyang ikinikilos.
"What's so funny, huh?" Tanong ni Ate kay Rafael na sinundan niya kaagad ng isang sampal. You killed my brother in the worst possible way and you think that's funny?"
"O yeah. It is funny." Maangas na sagot sa kanya ni Rafael. "It's funny because I'm happy to witness the perfect execution and results of our well thought of plan. Now we know who really killed Walter. Your ex did. A traitor inside your household."
Lalo akong nanlalata sa inaasta ni Rafael. I wish I am just dreaming. I wish all these courtroom drama isn't real.
"But you killed my brother, asshole!" Sinampal ulit siya ng isang malakas ni Ate Alessa.
"I killed your brother?" Nakangising tugon naman ni Rafael kay Ate. "How can anybody say I killed somebody who is... not dead."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan ang palagid.
"W-what do you mean... not dead?" Tanong ni ate Alessa.
"Why? Does that guy in blue shirt look dead to you?" Nakangisi pa ring itinuro ni Rafael ang isang matangkad lalaking nakatayo sa isang sulok. Nakasuot ito ng baseball cap. Bahagyang nakayuko.
Nang nahawi na ang mga tao sa harapan nito, ay saka na namin nakumpirna na naka navy blue shirt nga ito. Nakapamulsa ito sa kanyang faded jeans, habang unti-unting itinutunghay ang kanyang mukha.
It was Anton. Alive in flesh and blood. Nakangisi ito nang pabalik kay Rafael, bago nagtagpo ang aming mga mata.
He smiled at me. That bright smile I never thought I will ever see again. I was greatly shocked and confused, and perhaps because of that, I passed out.
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]
General FictionStandalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2016 PUBLISHED by PSICOM A must read novella under Reedz #1 https://psicomshop.com/products/reedz-vo...