Arianna's P.O.V.
Ang hirap tumakbo nang maraming bitbit, pero nagtagumpay naman akong makalayo. Eto nga at nakahinto na ako, humihingal na nagpapahinga sa isang street bench.
Napakabuti ni Donya Conception. Hindi naman talaga niya ako kilala nung napulot niya ako sa kalye. Dumating siya nang mga panahon na kailangang-kailangan ko ang katulad niya. Pero ayoko namang abusuhin ang kabaitan niya. Ayoko rin na ako ang pagsimulan ng hindi nila pagkakaunawan ng kanyang mga kapamilya.
Sa totoo lang. Nasaktan talaga ako sa mga sinabi ni Anton. Masakit na mapagsabihan na ako ay "kung sino-sino lang" at isang "taong mapagsamantala." Pwede ko na sigurong tanggapin na isa nga ako sa mga "kung sino-sino lang," dahil 'yun naman talaga ako sa kanilang pamilya; isang istranghero, isang talaga-labas. Pero 'yung "mapagsamantala?" nasaktan ako ro'n. Hindi naman kasi ako mapagsamatala; may matinding pangangailangan lamang talaga.
Pero kung tutuusin. Naiintindihan ko rin naman siya. Nag-aalala lamang siya para sa kaligtasan ng kanyang mga kapamilya. Lalo't higit, na nangyari na pala sa kanila ang malagay sila sa panganib. Totoo naman eh. Napaka-delikado na ang panahon ngayon. Hindi tamang magpatuloy ka na lamang sa kung sino-sino sa bahay mo. Hindi na nga tiyak ang kaligtasan mo kahit magpapasok ka ng kakilala mo, do'n pa kaya sa mga hindi mo kilala?
Nasaktan ako, pero naiintindihan ko. At dahil do'n, nalulungkot ako. Nalulungkot, dahil mas lalo kong naramdaman na mag-isa na nga lamang ako; isa akong taga-labas, saan man ako magtungo.
Katulad kahapon. Nagpagala-gala lamang ako sa kung saan-saan buong maghapon. Humihinto kapag nagugutom at nauuhaw. Umuupo kapag napapagod.
Ang problema ko ngayon ay katulad din kahapon. Saan ako pupunta mamayang gabi? Aasa na lamang ba akong muli na makatagpo ng isang istrangherong katulad ni Donya Conception, na magpapatuloy sa akin sa kanilang tahanan?
Si Donya Conception... isang napakabuting tao sa kabila ng karangyaang tinatamasa niya sa buhay. Hindi ko alam kung bakit ganun siya kabait. Gayung, base sa kwentuhan namin kagabi patungkol sa kanya, ay sadyang lumaki naman siya sa may kayang pamilya.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit may mababait at masasamang tao? Base ba ito sa kanilang karanasan, sa dugong nananalaytay sa mga ugat ng kanilang katawan, sa istado sa buhay? Ano nga ba? Saan nga ba nanggangaling ang kagandahan at kasamaan ng pag-uugali ng isang tao?
Ah, ewan. Kami nga ng kakambal ko. Iisa lamang naman ang dugong nanalaytay sa aming mga ugat. Iisa rin halos ang aming karanasan habang lumalaki, at makaparehas lamang naman kami ng estado noon sa buhay. Pero bakit magkaiba ang aming pag-uugali? Iisa nga ang sinapupunang pinanggalingan namin sa magkaparehas na panahon-araw at taon, pero bakit magkasalungat pa rin kami?
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.
Masakit sa balat ang sikat ng araw ngayong tanghali. Pero malaking bagay na lumalamig na rin ang ihip ng hangin. Kung hindi pa sa mga parol at christmas tree na nakikita ko sa mga tindahan at establisyemento, ay hindi ko pa talaga mararamdaman na malapit na ngang magpasko.
Isang buwan na lang, pasko na. Hindi ito ang unang pasko na ako'y nag-iisa. Pero ito ang unang paskong... tuluyan na akong nakahiwalay sa aking mga tunay kapamilya.
Malungkot na ako noon, pero mas malungkot ako ngayon. Lungkot na hindi ko alam kung maalis pa sa aking dibdib. Lungkot na maaring dadalhin ko, kahit pa tumawid ako sa ibang daigdig.
Hay, isa na nga siguro ako sa pinakamalas na tao sa mundo. Pero salamat pa rin sa Diyos sa libreng mauupuan at murang street food sa kalye, sa libreng gamit ng banyo at maiinom sa drinking fountains sa mga malls. Ang problema ko lamang talaga ay sa pagsapit ng gabi at kung uulan man.
Saan ako makikitulog? Kanino ako makikisukob?
Salamat sa Diyos sa mga simbahang hindi nagsasara. At kung nagsasara man, ay hindi ako palalayasin kung makatulog man ako sa isa sa mga pews. Tatlong araw din akong nakitulog lang sa iba't ibang mga simbahan, kaya't tatlong araw rin akong nagpapasalamat Diyos na nagkaroon ako ng pansamantalang kanlungan.
Ang hirap pala talaga ng walang tirahan. Nakakasira ng diskarte sa buhay kahit sa mga katulad kong mayroon namang pinag-aralan. Hindi ko alam kung paano ako makakapag-apply sa matinong trabaho. Lalo pa't, hindi naman pala isinama ni Brianna sa bagahe ko, ang lahat ng maaayos na damit ko. Ni wala akong dress shoes-isang sneakers, isang tsinelas at isang rubbershoes lamang-na suot-suot ko, ang mga sapatos ko. At sa mga damit, puro naman pambahay at casual wear.
Nakakafrustrate na wala rin akong maipapakitang credentials. Lahat kasi ng mga mahahalagang papel na kakailanganin ko sa pag-aapply, ay naiwan kong lahat sa bahay ni Rafael. Mula sa birth certificate, diploma at transcript of records, pati na rin ang kopya ng aking resume, certifications at iba't-ibang identification.
Isang libo na lamang ang pera ko. Ilang sandali na lamang ay gutom na ang aabutin ko. Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho. Sa puntong ito- kahit na college graduate ko, kahit na siguro anong mapagkakakitaan ay papatusin ko. Saan kaya? Sino naman kaya ang tatanggap sa akin kahit wala akong any form of identification?
Kung meron mang mas nakakiklala sa akin na mabait sa akin ngayon, si Donya Conception lang siguro 'yun. Aakalain ko ba, na sa pagkukuwentuhan namin-ilang araw na ang nakalilipas, ay madidiskubre kong, kakilala pala niya ang mga magulang ni Rafael. Hindi raw lamang niya ako nakikita pa noon sa personal, pero alam na raw niya ang kumakalat naming kuwento. Pero 'yun 'yung istorya na ayon sa mga tsimosa. 'Yun 'yung kwentong, nakakarma na raw ako dahil sa matinding inggit ko kay Brianna.
Dahil doon ay tinanong ko siya kung naniniwala ba siya, at eto lamang ang isinagot niya...
"I haven't personally met your twin sister, but I've exchanged correspondence with her on business matters several times before. My husband described her a real tough cookie, but as for me, I think she's no better than a conceited ambitious bitch."
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]
General FictionStandalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2016 PUBLISHED by PSICOM A must read novella under Reedz #1 https://psicomshop.com/products/reedz-vo...