Arianna's P.O.V.
Sa pagpasok ko ng simbahan, ay kakaibang drama naman ang aking nadatnan doon. May dalawang panig na nag-sisigawan sa harapan ng altar. Sa mga hitsura pa lamang ng mga ito-kasootan at postura, mukhang ito ang dalawang pamilya ng mga dapat na ikakasal. Umupo ako sa pinakagilid ng simbahan, at matama silang pinagmasdan. Sandaling nakalimutan ko ang sarili kong mga problema, habang pinakikinggan ko ang sa kanila.
"How dare your daughter do to this to my son!" Sigaw ng isang eleganteng babae, sa isa pang eleganteng babae sa kabilang panig.
"Sinabi ko na naman sa inyo noon pa..." Sagot ng babaeng sinigawan niya. Iniikot nito ang tingin, hindi lamang sa mga kaharap niya, kung hindi sa mga taong nasa panig niya, "Walang nararamdaman si Dianne para kay Anton. Noon pa man ay tutol na ako sa kasalang ito, pero ayaw ninyong makinig!"
"Tila hindi yata hindi alam ng anak mo kung sino ang binabangga ng pamilya niyo sa pangyayaring ito." Sabat ng isang nakapusturang matandang lalaki, sa panig ng pamilya ni Anton.
Hindi nakasagot ang kabilang panig. Halata sa ekspresyon ng kanilang mga mukha ang labis na pangamba.
"Do you know what this means?" Dugtong ng matandang lalaking iyon. "You!" Itinuro nito ang isa pa ring matandang lalaki sa kabilang panig, "You!" Itinuro naman nito ang babaeng nagsalita kanina, para sa panig nung Dianne, "You, and you and you!" Sunod-sinod na dinuro nito ang lahat ng mga nasa kabilang panig. "You are all going down." Tila hinihila na nito ang mga tao sa kanyang panig, "Remember this day." Iginigiya na nito ang kanyang mga kasama, na umalis na ng altar. Sumunod naman ang mga ito, na tila malaki ang respeto nila sa nagsasalita, "You better start talking to you lawyers. That is, if you can still afford them." Bago nito tuluyang nilisan ang altar.
***
Just when I thought na ako lamang ang may problema sa mundo, nadiskubre kong, kanya-kanya lamang talaga ng problema ang mga tao. Kani-kanyang drama sa buhay, bigat ng pasanin at mga inaalala sa hinaharap.
Ayos lamang sana siguro kung may karamay ka. 'Yung tipo bang, may makikipaglaban para sa 'yo at sasamahan ka kahit sa mga oras ng pagkabigo. Katulad na lamang ng dalawang panig na nag-aaway kanina. Parang masaya kahit na nagkakagulo sila; magkakasangga, magkakasama.
May dahilan naman pala ang pagsusungit ng Anton na 'yun; ikaw ba naman ang hindi siputin ng Bride mo sa araw ng inyong kasal? Pero kung tutuusin. Mas masuwerte pa rin siya sa akin. Malungkot man siya, at least, may kasama siya. Kakampi niya ang mga magulang niya, pati na ang lahat ng kanyang mga kapamilya. Samantalang ako... samantalang ako... parati na lamang akong nag-iisa; walang kakampi, walang karamay. Nag-iisa na nga lamang ang kasangga ko-ang bestfriend ko, pero tinraydor naman ako.
"R-Rafael?!"
Kararating ko lang sa bahay. At sa pagbukas ko ng pintuan, ay si Rafael kaagad ang nakita kong nakatayo mismo sa tapat ng pintuan. Sa una, akala ko ay nag-iisa lamang siya, hanggang sa unti-unti ko nang natanaw ang palapit na si Brianna.
Nakangisi pa ito, bitbit at hila-hila, ang mga bag at trolley luggage, na pamilyar sa akin. Akin kasi ang mga 'yun. Ang hindi ko lamang maipaliwanag, ay kung bakit bitbit at hila niya ang mga 'yun.
"Napirmahan mo na ba?" Seryosong tanong sa akin ni Rafael. Tumitingin-tingin ito sa hawak-hawak kong folder.
"Rafael," Sagot ko, "H-hindi ko maintindihan? A-akala ko ba-"
"Akala mo ano?!" Sabat ni Brianna. Nakataas pa ang isang kilay nito sa akin. "Heto!" Iniitsa niya ang mga bag na bitbit niya, "At heto!" binitawan niya ang hila-hila niyang trolley luggage ko, "Sign that papers and leave, kung may kahihiyan ka pa!"
"Rafael," Kay Rafael ako nakatingin. Naiiyak. Nanginginig. "A-anong nangyayari? Anong ibig sabihin nito?"
"Ang ibig sabihin nito ay utang na loob, Arianna? Lumayas ka na!" Pagsingit ni Brianna.
"P-pero saan ako pupunta?"
"Pati ba naman 'yun, po-problemahin pa namin? Kung gusto mo, umuwi ka kina Papa at Mama, 'yun nga lang, I don't think they will take you in again. Ikaw ba namang nakawan mo ang sarili mong mga magulang ng ilang beses, para lamang masuportahan mo ang iyong bisyo at pagrerebel-"
"Wala ako ninakaw!" Umiiyak na bulyaw ko sa mukha ni Brianna, "Ikaw ang magnanakaw!"
Alam ko na kasi ang tinutukoy niya. Ang tinutukoy niya ay nang makailang beses na nawalan sina Mama at Papa ng mga pera at alahas noong mga panahong nasa kulehiyo pa lamang kami. Oo, may bisyo ako noon. Umiinom ako ay naninigarilyo dahil sa sobrang sama ng loob ko sa parents namin. Pero wala akong ninakaw. Siya ang nagnakaw ng mga 'yon. Inilagay lamang niya ang mga 'yon sa gamit ko, para ako ang mapagbintangan.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.
"May pruweba ka?!" Nangiinis sa balik niya sa akin.
Umiiyak na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gustuhin ko mang ipagpilitan ang sarili ko kay Rafael, pero alangan namang isiksik ko pa ang sarili ko, kung heto't pinapalayas na ako mismo ng Asawa ko at ng... tunay niyang mahal at nais makasama sa bahay na iyon.
"Can you just please sign the papers and leave?" Malamig na utas ni Rafael. Hindi makatingin sa akin.
"Eto ang ballpen!" Ani Brianna. Kasabay ng pagsalampak niya ng ballpen, pahalang sa aking dibdib.
Medyo masakit. Malakas kasi ang pagkakasampak niya noon sa akin dibdib. Pero hindi iyon ang tunay na sakit na aking iniinda. Hindi ako kaagad nakagalaw. Litong-lito. Unti-unting dinadalaw ng panlalamig at panginginig.
"Ano ba?!" Sigaw ni Brianna, bago niya hinablot ang folder sa kamay ko, ibinulatlat ito, dinala at ipinatong sa isang pasimano, kung saan ay hinila niya ako, kinaladkad, at pagkatapos ay isinubsob ang aking ulo.
Ilang patak ng luha ko ang nagmantsa sa papeles, habang nanginginig na hawak-hawak ko ang ballpen.
"Rafael..." Pag-iyak ko, pilit ko siyang nililingon, pero makailang beses akong tinampal ni Brianna para mag-focus ako papeles na pilit niyang pinapipirmahan sa akin.
Hindi nagsasalita si Rafael. Pinabayaan lamang niyang batukbatukan at sampal-sampalin ako ni Brianna. It feels a lot like, I have no better choice. I have no way out but to sign. And so I did, and then I went numb inside and out. Even until Brianna pushed me out of our unit, and then threw my bags on me like I'm some piece of garbage... I felt nothing.
Gusto kong umiyak, magalit kay Brianna at patuloy na maghinanakit kay Rafael, pero biglang-bigla na lamang talaga akong nanlamig at namanhid. Maybe because I am in a state of shock... and of great disbelief.
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]
General FictionStandalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2016 PUBLISHED by PSICOM A must read novella under Reedz #1 https://psicomshop.com/products/reedz-vo...