Arianna's P.O.V.
Alas-dos na, wala pa rin siya. Ganito na siya sa simula pa lamang ng aming pagsasama bilang mag-asawa. Kabuwanan ko pa naman ngayon. Ito ang mga panahon na kailangang-kailangan ko siya, pero wala naman siya.
Kunsabagay. Wala naman talaga siya parati. Masuwerte na kung maglagi siya sa bahay ng isang oras. Swerte na rin kung hindi siya umuuwi ng lasing.
Anim na buwan na kaming kasal. Ipinakasal kami ng aming mga magulang. Nagpakasal ako sa kanya, dahil mahal ko siya. Nagpakasal siya sa akin, dahil buntis ako.
"Rafael." Sa pagpasok niya ng main door.
Alas tres y media na ng madaling araw. Tulad ng dati, lasing na naman siya. At tulad ng kanyang nakagawian, puro bakas na naman ng liptstick ang puting polo niya. Nakakalas na rin ang kanyang kurbata. Bukod sa alak, ay nangagamoy din siyang pabango ng babae.
Nambabae na naman siya, o ang mas masaklap, kung ang kasama niya mismo'y ang kakambal kong si Brianna.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.
Alam ko naman na nagkikita pa rin sila hanggang ngayon. Bagama't inililihim nila ito sa aming mga magulang--na sapul sa mula'y magkakaibigan.
Alam ko, dahil nakita ko mismo. Nagkikita pa rin sila kung saan man nila maisipan. Nag-a-out-of-town din sila nang magkasama, kung saan nakakapag-aasta silang tunay mag-asawa.
Magkamukhang-magkamukha naman kasi kami ni Brianna, kaya't sino nga ba ang makakapagsabi ng pagkakaiba? Bukod sa mga aming mga magulang, at iilang malalapit na kaibiga'y wala na.
"Bakit na naman?!" Pabalang na pagkakasagot niya sa akin.
Sumisiray-siray din ang paglalakad niya, bago siya sumalapak paupo sa sofa.
"W-wala naman." Malamyang sagot ko, "N-nag-aalala lang ako sa 'yo. G-gusto mo ba ng kape?"
Tiningnan niya ako nang tila walang gana.
"Eh Tsaa? Gusto mo ba ng Tsaa?!"
Muli niya akong sinulyapan na may kasama pang pagkunot ng kanyang noo.
"Eh mainit na Tsokolate, g-gusto mo?"
Tumunghay na siya, at tininingnan ako na tila sinisipat niya ang aking mukha.
"T-tubig? Gusto mo ba ng t-tubig. S-sabihin mo sa 'kin kung anong gusto mo, kukuhani-"
"Do you know what I really want?!" Bulyaw niya sa mukha ko.
"O-oo, siyempre. Kaya nga t-tinatanong kit-"
"I want you out of my life!" Nanlilisik ang kanyang mga mata. Nanginginig din sa galit ang boses niya. "That's what I really want right now, Arianna. Maibibigay mo ba?! Ha?!"
Hindi ako nakapagsalita. Hindi rin makaiyak. Kung bakit naman kasi nagtanong pa ako. Gayung alam ko naman na, ang mga hinanakit din lamang niya ang paniguradong ibubuga niya sa mukha ko.
Ganun siya, kapag nakakakuha siya ng pagkakataon. Ganun siya kapag nakakakita siya ng butas.
Sinasadya niya ang pasakitan ako.
Sinasadya niya ang balewalain ako.
Sinasadya niya ang pahirapan ako.
Para ako na mismo ang bumigay. Para ako na mismo ang sumuko.
Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Pero si Brianna talaga ang mahal niya.
Si Brianna, na ni walang oras sa kanya noon.
Si Brianna, na binabalewala siya noon.
Si Brianna, na may karelasyon ding iba noon.
Kaya nga mas lalong nahulog ang loob ko sa kanya noon, dahil bukod sa mahal ko na siya sapul pa sa aming pagkabata'y naawa ako sa kanya dahil sa pangbabalewala sa kanya ni Brianna.
Si Brianna, na pinagsilbihan niya.
Si Brianna, na itinuring niyang reyna.
Si Brianna na nagustuhan lamang siya, nang malaman nitong naging matagumpay na nagosyante na siya.
Si Brianna na napansin lang siya, nang naging kami na.
Ganun kasi si Brianna. Kahit na sa mga pagkakataong nakahihigit na siya kumpara sa 'kin, gusto pa rin niya ang lahat sa 'kin.
Gusto niya ang nakakakuha ng kahit anong bagay. Pero mas nasisiyahan siya, kapag ang bagay na iyo'y nakukuha niya mismo sa akin.
Pero ang masaklap. Hindi ganoon ang tingin ng mga magulang namin sa amin. Hindi rin ganoon ang tingin mga taong nakakakikilala sa amin. Para sa kanila. Siya ang parating bida, ako ang kontrabida. Siya ang mabait, ako ang salbahe. Palibhasa, hindi maganda ang track record ko. Nagrebelde kasi ako noon. Pagrerebeldeng dahilan na rin sa sama ng loob ko sa aming mga magulang.
Siya kasi ang paborito. Siya kasi ang mas matalino. Siya ang mas magaling. Siya ang "mas" sa lahat ng bagay. Samantalang ako, parating pumapangalwa lang. Tila aninong nakatayo lamang parati sa kanyang likuran. Parang anino, na bale
wala lang sa kahit kanino.Kaya nga kapag siya ang nagkamali... bihira ang nakakapansin. Pero kung ako naman ang sumablay, silang lahat ang aking kalaban.
* * *
"Hanggang kailan ka ba magpapalamang diyan sa maldita mong kakambal?" Tanong sa akin ng bestfriend kong siyang kasa-kasama ko sa pagpapa-check-up ko sa OB GYN ko. "Kung ako sa iyo. Pakakawalan ko na 'yang Rafael na 'yan. Kung mas gusto niya ro'n sa kakambal mo, na kung tratuhin naman siya'y parang tuta, eh di pabayaan mo! Bakit ba kailangan mong magtiis?"
"Mahal ko siya, Nina."
"Alamo Aria? Hindi na kita kilala." Aniya, "Hindi na ikaw ang Aria na kilala ko dati. 'Yung Aria na kilala ko dati? Strong-willed. Confident. Palaban. Astig. Pero tingnan mo ang sarili mo ngayon? Daig mo pa ang bidang martir sa tele-serye ah."
Hindi ako sumagot.
"Hay naku." Dugtong niya, "Kung ako sa 'yo. Kalilimutan ko na ang pagmamahal na 'yan. Aanhin mo ba ang pagmamahal na 'yan, kung ikaw lamang naman ang nakakaramdam? Masasaktan ka lang lalo diyan BFF. Ako na ang nagsasabi sa 'yo, masasaktan ka lang!"
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]
General FictionStandalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2016 PUBLISHED by PSICOM A must read novella under Reedz #1 https://psicomshop.com/products/reedz-vo...