Arianna's P.O.V.
Isang linggo na lang, pasko na. Kahit paano, nami-miss ko na rin ang mga magulang ko. Tinawagan ko sila. Sinagot ito ni Mama. I was hoping na na-miss rin nila ako. I was wrong.
Puro sermon lamang ang napala ko. Kesyo puro kahihiyan lamang naman daw ang idinulot ko sa pamilya namin. Usap-usapan na raw ang aming pamilya sa kumunidad, dahil daw sa eskandalong idinulot ko sa aking pamilya.
Paano ko raw ba nagawang lokohin sa Rafael, na ito nga ang tunay na ama ng anak ko? Para lamang daw ba maagaw ko ito kay Brianna? Para lamang daw ba makaisa ako sa aking kakambal? Hanggang kailan daw ba ako lalamunin ng aking inggit sa aking kapatid? Ano pa raw ba ang kaya kong gawin, para lamang makaangat sa kanya?
Nasaktan ako. Nasaktan ako dahil hindi man lamang nila hiningi ang panig ko. 'Yung bersyon lamang ni Brianna at Rafael ang pinaniwalaan nila. Bukod pa roon—paskong-pasko pa naman, ay itinakwil na rin nila ako. Ang masaklap pa, ay sa pamamagitan lamang ng telepono. Huwag na raw akong magpapakita pa, dahil puro problema at kahihiyan lamang naman daw ang idinudulot ko sa pamilya.
Wala raw akong kwentang anak.
Wala raw akong kwentang kapatid.
Wala raw akong kwentang asawa.
Wala ring kwentang... Ina.
Kasalanan ko raw ang nangyari sa anak ko. Dahil daw sa panlilinlang ko, ay pinarurusahan na raw ako ng Diyos. Mabuti nga raw at nagdurusa na ako ngayon. Karma ko na raw 'yun dahil sa kaitiman ng akin budhi.
Nakabibingi ang timbre ng telepono matapos nila akong pagbagsakan. Ilang saglit din akong natulala bago ako nakaiyak.
Bakit gano'n? Bakit hindi man lamang nila ako pinakinggan? Hindi man lamang sila nag-alala kung nasaan na ako at kung ayos lamang ako.
Bakit ganon? Anak rin naman nila ako, di ba? Bakit si Brianna lamang ang mahal nila? Bakit si Brianna lamang mas mahalaga sa kanila?
Hindi naman ako naiiggit. Humihingi lamang naman ako ng kahit kaunting atensyon at pagmamahal mula sa kanila. Pero bakit hindi nila ito maibigay sa akin?
Mahirap ba talaga akong mahalin?
Wala ba talaga akong halaga sa kanila?
Wala ba talaga akong kwenta?
Magpapasko pa naman, at sa isang iglap, nawala na ang lahat sa akin. Ano pa nga ba ang dahilan ko para magdiwang? Ano pa nga ba ang dahilan ko para mabuhay?
Para ano, para kanino?
Para saan pa nga ba kung bakit ako naririto?
Puro perwisyo lamang naman pala ang dulot ko sa mundo? Bakit ko pa nga ba pinagsusumikapan ang mapagtangumpayan ito?
Kay saya ng mga tugtugin sa Mansyon, na lalo namang pinatingkad ng magagandang dekorasyon. Ang lahat ay nasasabik at mga nakangiti—ang aliwalas ng kanilang mga mukha'y tumutugma sa mga palamuti.
Naging tradisyon na pala ng FamiliaGutierrez ang mag-salo-salo tuwing pasko taon-taon. Ito raw ang okasyon na kumpleto silang nagtitipon-tipon. Kaya naman kuntodo ang paghahanda ni Don Pedrito at Donya Conception, partikular na sa mga handa at programa nila sa bisperas mismo ng pasko.
BINABASA MO ANG
Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]
General FictionStandalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2016 PUBLISHED by PSICOM A must read novella under Reedz #1 https://psicomshop.com/products/reedz-vo...