Arianna's P.O.V.
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang ipagtulakan ka, o ang wala kang mapuntahan? Para akong ligaw na tupang naglalakad sa kalye. Nakabilad sa santing ng init ng katanghalian. Bitbit ang aking handbag, dalawang tote bag, habang hila-hila ko ang aking trolley luggage.
Ilang beses akong huminto sa pagod at nagpahinga sa mga street benches. Ang hirap pala ng pakiramdam nang hindi mo malaman kung malulungkot ka ba, makatatakot, mag-aalala, magagalit, malilito, mahihilo, maiiyak... halo-halo na ang pakiramdam ko. Sa sobrang kalituhan ko kung ano ang eksaktong nararamdaman ko, ay nakatulala na lamang ako. Walang maisip, at walang masabi.
Alas singko na ng hapon nang mapadako ako sa isang karinderyang nakatayo sa may tarangkahan ng tila isang Pabrika. Nagugutom na ako kaya't naupo na lamang ako roon para makiinom at umorder ng pagkain.
Binukasan ko ang bag ko. Kinuha ang wallet ko at binulatlat iyon. I wonder how far two-thousand pesos can take me? 'Yun lamang kasi ang nasa wallet ko, dahil kamalas-malasang nasa safe box namin lahat ang ATM cards and Credit Cards ko.
"Manang," Tanong ko sa matandang tindera sa Karinderya. "May alam po ba kayong kuwarto na maaring upahan dito?"
"Marami diyan, isang bloke mula rito. Doon tumutuloy ang iba sa mga trabahador so pabrikang ito." Itinuturo niya ang malaking gate ng pabrika.
"Pabrika po ba ng ano 'yan, Manang?"
"Ah, tatlong malalaking kumpanya ang naririto na iisa lamang ang may-ari. 'Yung isa, pabrika ng mga tela, 'yung isa naman, patahian ng mga RTW na inirarasyon sa malalaking malls, at 'yun huli, ay pabrika ng kung ano-anong produktong pangkunsumo at pampaganda." Tumawa ito matapos sabihin ang huling salita.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.
"Kaya ho pala maganda kayo aling Mameng." Pagsingit ng isang bolerong, sa tingin ko ay isang tricycle driver na kumakain din doon.
"Ikaw naman," Bahagyang hinataw ni Aling Mameng ng hawak niyang pamaypay na sawali, ang tricycle driver na nambola sa kanya. "Masyado ka namang nagsasabi ng totoo."
"Paano naman kayong gaganda?" Sabat naman ng isa pang lalaking kumakain, "Eh hindi naman kayo gumagamit ng produkto?" Mukhang kontra ito sa matanda.
Pinanlisikan siya ng mata ni Aling Mameng, "Cristy!" Pagtawag nito sa katu-katulong niyang dalagita," Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa lalaking kumontra sa kanya.
"Bakit po, Lola?" Sagot ng dalagitang tinawag niyang Cristy.
"Sa susunod nga, pakidagdagan mo nga ng vetsin sa pagkain ng lalaking ito!" Hinampas niya ng pamaypay na sawali ang ang bumbunan ng lalaking kumontra sa kanya. Napakamot tuloy it sa ulo. Nakasimangot.
"Aling Mameng naman!" Bulong nito.
"O baket?" Muli siyang pinanlisikan ng mata ng matanda. Nanggigigil ito sa pagpapaypay.
"Wala ho." Iiling-iling na sagot noong kumontra. Itininuloy na lamang nito ang pagkain.
"Pwede ba? Kung sisisrain niyo lang ang araw ko, sa iba na lamang kayo kumain. Do'n kayo sa kabila!" Pagpaparinig ni Aling Mameng. "Lalong-lalo ka na." Pinanggigigilan pa rin niya 'yung lalaking kumontra sa kanya kanina. Na para bang, hindi siya maka-get over sa sinabi nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]
General FictionStandalone [Completed] Language: Filipino How much pain can you endure, when the one you truly love, can't love you back in return? Published: May 2016 PUBLISHED by PSICOM A must read novella under Reedz #1 https://psicomshop.com/products/reedz-vo...