Kabanata 5

490 11 0
                                    

Kabanata 5

Turuan

Normal Saturday night for me. Pumalakpak kami ni Dionne matapos ang kanta ng Agnostic.

Bumaba ako sa aking upoan at sinalubong sina Colton. Nag beso ako sa kanilang apat.

Elio grab my waist and pulled me closer to him, ambang yayakapin ako ni Finn. Na iwan sa ere ang kanyang braso. Binaba niya ito at hilaw na ngumisi.

"Ang galing niyo!" Saad ko.

Nag bro hug si Colton at Mateo.

"Ang ganda ng supporter namin e. Gagalingan talaga." Ani ni Bricks.

Hinila ako ni Elio pabalik sa upoan. Hindi naman ako umangal at sumunod sa gusto niya. He sat on my right, on my left was Dionne who's busy talking to Finn.

Kinuha ko ang isang baso ng vodka at inisahang lagok ito.

"May dalawang scout nanood sa performance namin kanina. Sana makatanggap kami ng offer pagkatapos ng gabing to. " Ani ni Finn.

"Sa galing niyo ngayong gabi. Siguradong may spot na kayo sa kompanya nila."

"Sana nga, Deira.. " saad naman ni Colton. "Gustong gusto ko nang tumugtug sa mas malaking stage. "

"Yeah, mom's having second thoughts about my passion, matagal na rin kasi tayong tumugtug sa ganitong lugar. "

"Why won't you use your connections? Siguradong noon pa kayo makapasok." Saad ni Dionne.

"Mas gusto naming sariling sikap lang, Dionne. Ayaw naming umasa sa apelyedo ng mga magulang namin.We want to succeed by working hard. "

"Sabagay..." Ani ni Dionne.

Kukunin ko na sana ang isa pang baso ng vodka ng ilayo ito ni Elio mula sa akin.

"Elio give me that!"

Pilit kong inaabot ang baso ngunit nilalayo niya ito.

"Naka limang baso ka na. Tama na." Mataman niyang saad.

"Elio!" I cried his name. "Don't be kj tonight, please, give it to me..."

"Deira, pagod akong alalayin ka ngayong gabi. Tama na yan. I want you sobber the whole night."

"That only means I'll spend my whole fucking night bored."

Pumikit siya ng mariin. Binigay niya ang baso sa akin at tahimik na sumandal sa upoan.

Pumikit ako matapos isang lagok ang vodka.

Nag aya si Mateo lumipat sa ibang bar na sinang ayunan naming lahat. I am riding on Elio's car. He was just silent the whole drive. Like the world was such a burden to him.

"Hey, may problema ka ba?" Mahinahon kong tanong.

He shifted on his seat before turning his soft gaze at me and shaking his head.

"None..."

"You sure? You feel off..."

"Yes, I'm sure..."

Hindi na ako umimik at hindi na sjya kinulit pa. Baka mapikon pa ito at magalit sa akin. That's the last thing I want to happen. I don't like it when Elio's mad at me.

I cheered nang nag iba ang kanta sa loob pagka pasok namin sa loob ng bar. Kumuha ako ng cocktail sa isang waiter at inisahang lagok ito bago hinila si Dionne patungo sa dance floor at sumayaw. The boys were going to the second floor for the VIP seat.

I sway my hips with the rhythm of the music while my hands were up. Napangisi ako at hinaplos pababa ang aking kamay sa kurba nang aking katawan. Dionne too, was feeling the music and dance sultry infront of me.

To Change (Higuera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon