Kabanata 21

435 8 0
                                    

Kabanata 21

Lossing

Umupo ako sa pang isahang sofa habang karga ang baby ko. Mahimbing siyang natutulog sa aming kama nang magpasya siyang gumising at umiyak. Agad ko siyang kinuha at pinatahan. Ayaw niyang bumalik sa kama. Magigising siya at iiyak na naman kapag ilalapag ko ito pabalik.

Now that she's sleeping back again. The entire house is peaceful.

It's been a week since we got out of the hospital. Mom flew immediately after my delivery. Hindi rin sila nag tagal dahil may business si Dad sa Pilipinas. They promised to come back when they're free. I just hope it's sooner.

There were a lot of sleepless nights for me and Alysah. Baby Giselle loves to wake up in the middle of the night. Minsan hindi na ako nagigising sa mga iyak niya kaya si Alysah ang nagpapatahan minsan naman nauunahan ni Kuya.

Kuya finally graduated with his Masters. My daughter is already three months old.

Dumalo kaming dalawa ng anak ko sa graduation niya.

Ngumiti siya sa harap ng stage habang nakatanaw sa amin. Kinuha ko ang kamay ni Giselle at kinaway ito kay Kuya.

Pagkababa ni Kuya, pumunta siya sa amin at kinuha si Giselle. My daughter immediately chuckled when Kuya kiss her cheek. She made some squicky sounds that's so adorable. 

Naka pink na jumpsuit si Giselle at pink na head band na may ribbon sa ulo. She looks so adorable with her pinkish cheeks.

"Kuya, mapupuno ng laway si Giselle." Saway ko dito ng pinugpug niya ng halik ang baby ko. Giselle loves the attention she giggled and chuckled at my Kuya's affection towards her.

Tinigilan niya rin ito. Hinarap niya ako.

"Sina Mommy?"

"Na delay ang flight nila baka mamaya pang gabi dumating."

Tumango siya. Naglakad kami palabas ng university niya. Siya na mismo ang nagdala kay Giselle.

I kept myself quite occupied with my daughter during those months. I hired a chef to train me on the basics of cooking. Well if my daughter grows up I want to be the one who'll cook her meals.

Giselle was busy playing with her toys while I was on her back watching her. Pumasok si Alysah dala dala ang meryenda at gatas ni Giselle.

Pumalakpak siya ng makita ang baby bottle niya.

"Nalipay ka gid, makita ang bibiron mo? Ha?" Aliw na saad nito sa anak ko.

"Alysah, ang language mo." Saway ko dito.

"Ay sorry po ma'am."

Kinuha ko ang baby bottle at binigay ito kay Giselle. Malaki ang ngiti nito habang nakatingin sa akin. Nagulat ako ng bigla siyang sumampa sa aking dibdib at ngumisi.

"M...ma!" She tried calling my name.

Napangiti ako.

"You want milk? My baby want's milk..." I baby talk while kissing her chubby cheeks. "Here, what my baby wants, my baby gets..."

Napalingon ako sa pinto ng tumunog ito. Alysah went down to open the door. Binigay ko kay Giselle ang baby bottle niya. Kinuha niya ito at nilagay sa kanyang maliit na bibig. Nagulat pa ako ng pabagsak siyang humig sa kama. Bumingisngis siya.

Kinuha ko ang anak at kinarga ito. Nagtungo kami sa hagdan at sinilip ang bisita.

Nanlaki ang aking mata ng makita si Elio sa puno ng pinto. Tumingala siya at ngumiti sa akin. Nanubig ang aking mata at bumaba.

To Change (Higuera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon