Simula

1.1K 18 0
                                    

Simula

"As you can see the ratings this month has decrease compared to last month..."

Huminto ako sa pag laro ng lapis at binaba ito. Nilingon ko si Kuya Oliver na tahimik lamang habang seryosong nakatingin sa harapan. We waited for him to speak but instead...

"Meeting adjourn!" Aniya sa malalim na boses.

Nag sitayuan ang board members at nag bulongan. I stand up and greet some of them. Tita Sara come to me. Nag beso kami at hinawakan niya ang aking braso. Ngumiti siya ng maliit at bumulong.

"Please, persuade your brother. He only listens to you."

Ngumiti ako pabalik at tumango. "I'll try to talk to him, tita."

Nagtungo pa ako sa ibang investors at nakipag usap. Madalian lang din dahil
Isa isa na silang nag si alisan hanggang kami nalang ni Kuya ang natira . Tumikhim ako at bumalik sa aking kina uupoan. He stood up and opened the blinds sa buong conference room. Tinanggal niya ang botunes ng kanya suit at malakas na bumuntong hininga.

Nilingon ko ang aking secretarya. Isang tingin lang lumabas na siya ng conference room, ganon din ang sekretarya ni Kuya. It was a minute of silence for the both of us when I decided to break the silence. Noong una kinabahan pa ako pero nagpatuloy ako.

"I think it's time to think about the boards suggestions."pag simula ko.

"Not now Deira..." Mariin niyang sabi. He grip the steel on the glass wall tightly. Nakita ko ang pag igting ng panga ni Kuya.

Ngumuso ako. Galit siya, parang ayaw kong ituloy. My inner voice was urging me to carry on at a later time when he's not angry, but well na umpisahan ko nato wala nang atrasan.

"Kuya you are well aware of our status, we might go bankrupt in the next six months if this will continue!"

"Are you even thinking, Deira!? They'll make fun of us for sure!" Banta niya ngayon may kalakasan na sa kanyang tinig.

"Kuya, I'm sure mom will agree with me. The only way to save a failing company is to seek help from a company that runs the same business as us!"

Nilingon na niya ako. Ngayon nag aalab ang mata. Galit ang pinukol niya sa akin. Umiigting pa ang panga nito. Lumapit siya sa akin sakto lang ang layo namin nasa kabilang banda siya ng lamesa.

"And what? Let them mock at us?"

"The Higuera's are nice they might consider our request."

He smirk. Namewang siya, bahagyang umiwas ng tingin, bumalik rin agad sa akin ang mata. He tilted his head.

"Are you really doing this for our business or you have other agenda that's why you're pushing this argument?" Mariin at malamig niyang aniya.

I was taken aback by his words. It was like a knife cutting through my heart. Hindi ako naka atake ng salita dahil nasaktan ako, na offend ako sa sinabi niya. I blink a couple of times to digest his words. Hindi ko inaasahan yun. I moisten my lips. Wala akong sinayang na oras at inayos ang aking gamit habang nanatiling tahimik. He just crossed the line and I am currently pissed! Aalis na ako bago ko pa mailabas ang pagkamaldita ko. Mas mabuting naka alis na ako dito. I have been keeping this bad side of mine for years, I had a hard time controlling it and I might regret life decisions if I release it now.

Tumayo ako at blanko siyang tinignan.

"It's true, I have other agenda that's why I'm pursuing this idea. Its for the future of our fourth generation because I cant afford to see them suffer poverty and be ridiculed by people.." Sinukbit ko ang aking Hermes sa aking siko at sinuot ang aking oversized sunglasses, nilingon ko siya. "If you're going to keep your pride, then excuse me I'm going to get ready being poor!"

To Change (Higuera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon