02
Today is Friday. Masigla ako dahil huling araw na ng klase namin. Well, not the very last but the last of the week. Bukas sabado na at araw na ng pahinga ko. Finally!
"Good morning, Class." bati ni Miss Amora sa amin.
Halos umirap ako. Math subject again. Gusto kong mag cutting nalang pag subject na ni Miss Amora.
"So I see there's a lot of new student here.." tukoy niya sa mga bagong lipat galing sa school na nasunugan.
Mayroon kasing ten students na dinagdag sa section namin. Hindi naman kami medyo masikip pero hindi na din sobrang luwag gaya ng dati. Five of them are girls and the other half is boys.
"Please introduce yourselves..." wika ni Miss.
Isa-isa naman ilang pinakilala ang sarili nila. I easily memorize their names but it's useless. I barely talk to some classmates. Pagkatapos nilang magpakilala ay umupo na kaagad sila.
"Welcome to our school, newbies." she smiled. "Last week I have given you homeworks in mathematics..."
Homework? Oh shit!
Napatingin ako kay Claire. Nakalimutan ko komopya! Tumingin siya sa akin. Tumaas ang kilay niya. Pumikit ako ng mariin.
"But since there's some newbie here, I will give them twenty minutes to answer the homework."
Yes!
Tumingin si Miss sa relo niya. "You can start now.."
Dali-dali kong kinuha ang libro ko. One seat apart lang naman kami ni Claire kaya mabilis ko siyang nasenyasan. Binigay niya kaagad ang libro niya sa akin.
Kinopya ko kaagad ang assignment namin. Andaming formula pero ten items lang naman. Kaya to ng twenty minutes.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkokopya nang may tumikhim sa likod ko. Nilingon ko kung sino iyon.
"Yes?" tanong ko kay Blest.
"You're copying her homework, aren't you?"
"Yep. She's my friend." bumalik ulit ako sa pagkokopya.
"That's not an enough reason to copy her homework."
"Fine, fine. Shut up. I won't copy next time." suplado talaga ng crush ni Claire. Overreacting.
"You can study with us next time. Para naman hindi ka na mangopya." anyaya niya.
Umiling ako. I am still facing my book. "No, thank you. This will be the last."
Tumahimik na siya kaya tumahimik na din ako. I'm almost done when someone grab my book. Nag-angat ako ng tingin kay Miss Amora.
"Hindi mo ginawa ang homework mo, Shanaiah?" nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.
Napayuko ako. "Sorry, Miss.."
"At nangopya ka pa talaga?" kinuha niya ang isang libro at binasa ang pangalan ni Claire. "Tsk, tsk. Claire Delo Santos."
Binigay niya kay Claire ang libro nito. She gave her a half smile then glared at me afterwards. "Newbies lang ang pwedeng humabol sa pagsagot. You should take consequence for your actions, Shanaiah.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Yes, Miss.."
Inilapag niya ang libro ko. "I've heard you're dating a Professor... buti hindi ka pa napapatalsik?"
YOU ARE READING
Who Holds The Future? (Wild Fire Series #1)
Teen Fiction"Love is just a waste of time." That was my motto. Not until I met him. A nerd and sweet type of person. Noong una ayoko siyang maging akin kasi gusto siya ng kaibigan ko. Pero taksil itong puso ko. Inibig ko ang taong mahal ng kaibigan ko. Naging...