10

5 2 0
                                    

10




Hindi ko maalis ang titig ko kay Cynthia. Ang makapal niyang kulay pulang labi. Halos maging clown ang buong mukha niya sa kapal ng make-up. Hindi naman ganito ang tipo ni Kuya, ah? Gusto niya simple lang.



"How's your father doing in abroad, hija?" tuwang-tuwa si Mommy habang kausap ang babae.


"He's busy managing our business, Tita. He'll be home by the end of the year for our wedding." sabay haplos niya sa braso ni Kuya.



I can see his disgusted soul already. Sa labas ay seryoso lang siya pero alam kong sa loob ay nandidiri na ito.



"Ah, My?" tawag ko kay Mommy. "Kailan po nag propose si Kuya? Tsaka bakit wala pong singsing?"


Napalingon saglit si Mommy kay Cynthia. Ngumiti ito bago bumaling sa akin. "They are childhood sweetheart, Shan. Bata pa lang sila ay nangako na ng kasal si Cole kay Cynth. This is the right time for them to get married."




Kumunot ang noo ko. "Childhood? Edi bata pa sila nun, My. Baka may iba nang gusto si Kuya ngayon." I looked at my brother.



Lahat din sila ay bumaling kay Kuya. "I....wala akong ibang gusto."



Mommy clapped. "See? Si Cynthia lang talaga ang mahal ng Kuya mo mula noon hanggang ngayon."


"Stop it po, Tita, nahihiya na po si Cole." gosh, OA!!


"He's a man! Hindi na yan mahihiya." she paused for a second. "Btw, Shan?"


Nagtaas ako ng tingin kay Mommy. "Po?"


"Uuwi ka na sa bahay ngayon. Cynthia will stay with your brother on his condo."


Nagtaas ako ng kilay. "What? Bakit hindi nalang siya mag hotel?"


Sumama ang timpla ng mukha ni Mommy. "She's your brother's future wife. Is it appropriate to let her stay in a hotel?"



Oh. This girl is getting in my nerves.


"Let her stay in our house, then. Hindi pa sila kasal. It's inappropriate for both of them to sleep together without marrying each other."


"Shan—" magsasalita pa sana si Daddy pero tumayo na ako.


"I have a lot of things to do tomorrow, My, Dy. Magpapahinga na ako."



"Sa bahay ka uuwi." Mommy said.



Umiling ako. "Kuya will teach me my math lesson later. Kailangan ko iyon para bukas. Right, Kuya?"


Tumango si Kuya. "I'll teach you later."


Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. I hugged him. "I need your explanation about that bitch, big brother." I whispered.


Tumayo ako ng tuwid at nginitian sila. "Mauuna na ako." I walked out.


"Saan mo naman patutulugin si Cynthia, Cole?" I heard Mommy asked Kuya.


Bumaling ako sa kanila saglit. "Walang bakante sa condo ni Kuya. If you'll bring her there, she'll sleep outside. Okay?" I smiled sweetly before finally leaving.



Kinaumagahan ay pumasok ako ng maaga sa klase. I texted Claire I have a chika on her. Pagpasok ko sa classroom ay nakita ko agad siyang abala sa cellphone niya. Kaming dalawa pa lang ang nasa classroom.


"Grabe! Nakakainis talaga ang babaeng yun!" inis kong inilapag ang bag ko sa table ko.


Minsan lang ako magalit. Hindi para sa sarili ko. They can do bad things on me. They can manipulate me. But not those person I love.



They think they can manipulate my brother into marrying someone he doesn't love. Dahil alam nilang susunod si Kuya sa lahat ng gusto nila.



"Ano nangyari?"


"My brother is getting married." deritso kong sabi. "And I hate the girl. Clearly a bitch!"


"W-What?"


Nilingon ko siya. "Yeah. He's marrying someone I don't even like."


"Bakit daw? I mean...mahal ba siya ng Kuya mo?"


Nagkibit-balikat ako. "Kuya offered her marriage."


Nagulat ako ng tumayo si Claire.


"Saan ka pupunta?"


She checked her phone. Maingay ang alarm nun. "Emergency. Una muna ako, Shan."


"What? Anong emergency? Do you need my help?"


Umiling siya. "See you later, Shan."


Nagmamadali siyang tumakbo palabas. Ano kayang emergency yun?


Instead of staying at the classroom, pumunta ako sa cafeteria para bumili ng juice. Wala pa gaanong bukas na tindahan ngayon pero may iilan naman na maaga nagbubukas.



"Aga mo naman ata, Shan."


Nilingon ko si Blest na nakatayo malapit sa akin. May dalawang fudgee bar na naman sa kamay niya.


"What's that?"


"Hindi mo pala alam kung ano ito?" itinaas niya pa ito sa eri.


I rolled my eyes. "Nevermind."


Lumapit siya sa akin. Hinila niya ang isang kamay ko at inilagay doon ang fudgee bar. "For you. Mamaya na ang mamahalin pag mahal mo na ako."


"What?" tanong ko dahil hindi ko marinig ang huling linya niya.


"Wala! Ano nga pala ang bibilhin mo dito?"


Inilagay ko sa bag ang fudgee bar na bigay niya. It's cheap but it's from him. "Juice lang."


"What type of juice? Libre ko na."


Umiling ako. "Wala ka nang allowance. Inuubos mo sa mamahaling chocolate para kay Claire at sa fudgee bar na binibigay mo sa akin. Salamat at naisip mo rin ako, no?" I said with full sarcasm.


Kumunot ang noo niya. "What?"


Nilagpasan ko siya at kinuha ang isang buko juice. Binigay ko ang fifty pesos ko sa cashier. Binuksan ko kaagad at ininom ang buko juice.


"That looks tasty." wika niya habang umiinom pa ako.


Hindi pa ba nakakatikim ng buko juice ang isang to?


"Hindi mo pa to natitikman?" turo ko sa buko juice.


Umiling siya.

What!? Saang lupalop ba ng mundo nakatira ang lalaking to.


"I'll buy you one para makatikim ka." iikot na sana ako para kumuha ng isa pero hinablot niya ang nasa kamay ko at ininom agad iyon.



Halos hindi ako makagalaw habang nakatitig sa kaniya na umiinom. What the freak.



"Hoy! Bakit mo yan ininom!? Akin yan, eh!"



He stopped drinking then looked at me with a ghost smile on his lips. "Ang sarap pala nito...lalo na at labi mo ang unang dumapo bago ang labi ko."

Who Holds The Future? (Wild Fire Series #1)Where stories live. Discover now