09
"Ano ba ang pwede mong ikaselos, Claire?" kunwari ay kuryoso ako. Ang totoo ay gagamitin ko iyon para maging magkalapit silang dalawa ni Blest.
"Anong ibig mong sabihin?"
"May napanood kasi ako na kdrama, tapos yung girl doon is manhid. Laging nagbibigay ng motibo yung boy tapos walang pakialam si girl kahit na crush niya din si boy." kwento ko na hindi naman totoo.
Niligpit niya ang libro niya at masinsinang tumingin sa akin. "Liar. Hindi ka nanonood ng kdrama, Shan."
Ngumuso ako. "Eh, bilis na! Paano mapapaamin ni boy si girl na gusto niya rin ito?"
Kumunot ang noo niya. "Kilala ko ba kung sino ang tinutukoy mo?"
Umiling ako. Yes, Claire! Kilalang-kilala mo kasi ikaw yun.
She nodded. "Okay. Pero kung sobrang manhid talaga ni babae, the only way para mapaamin siya is paselosin siya."
Napatanga ako. "What?"
She rolled her eyes. "Ganito kasi yan, tayong mga babae, di tayo aamin hangga 't hindi tayo nagseselos."
Ngumiwi ako. "So dapat paselosin ni boy yung girl?"
"Exactly!"
"Ang sama naman nun. Gagamit pa ng ibang tao." sino naman kaya ang pwede naming gamitin para magselos si Claire?
Claire is popular here in our campus. She's not insecure to anyone. Kahit sinong kaklase o kakilala pa ang gamitin namin, hinding-hindi siya magseselos lalo na at alam niyang mas lamang siya. Baka ma fall out of love siya kay Blest.
I sighed. "This is hard."
"What?" titig na titig si Claire sa akin.
"Wala! May iniisip lang ako."
Tinusok niya ang tagiliran ko. "Baka ikaw yang si girl na tinutukoy mo, ha."
"Hindi, no!"
Iniba ko kaagad ang usapan. Nag-iisip pa ako ng paraan kung papaano mapapaamin si Claire na gusto niya din si Blest.
Jealousy. Siya na mismo ang nagsabi na selos lang ang katapat at aamin din ang babae. Is it really effective?
Hapon na at sinundo na ako ni Gab sa school. Pumunta kami sa isang mall at pumasok sa mamahaling restaurant. I heard this is owned by Kuya Kai.
"Why are we here again?" tanong ko kay Gab habang papalapit kami sa table namin.
"Family gathering and an important announcement, I guess." nagkibit-balikat siya.
Nang makalapit na kami sa table ay nagmano ako kay Tita, mommg and daddy. Silang tatlo palang ang nasa lamesa.
"Asan si Kuya?" I asked.
"Hindi pa dumadating, Shan. May sinundo pa sa airport." mommy giggled after she finsihed her sentence.
Tita offered the sit near her. "Dito ka, Shan."
YOU ARE READING
Who Holds The Future? (Wild Fire Series #1)
Teen Fiction"Love is just a waste of time." That was my motto. Not until I met him. A nerd and sweet type of person. Noong una ayoko siyang maging akin kasi gusto siya ng kaibigan ko. Pero taksil itong puso ko. Inibig ko ang taong mahal ng kaibigan ko. Naging...