16

4 0 0
                                    

16



Napapadalas ang pagiging busy ni Kuya kaya hindi na ako sumasabay sa kaniya pauwi. We even barely talk to each other because he's always out of town. Hindi ko na rin siya natatanong sa pag-iiba ng mood niya nitong nakaraang araw.

Ngayon lang ay ibinalita sa amin na papalitan ang teacher namin sa math. Ibang Professor na ang nag handle dahil ilang buwan daw mawawala si Kuya.

Our new teacher is nice. Mas napadali ang pagkatuto ko dahil maayos siya mag explain.

"Gusto mo pa ng fishball?"

Sa pag-uwi namin ni Blest ay tumitigil muna kami para kumain ng street foods. Naging suki na din ata ako dahil napapadami ang kain ko.

"Kwekwek din,"

Tumango siya at nagkuha ng marami. Ito ang nakasanayan namin bago kami maghiwalay ng landas pauwi sa kanya-kanyang bahay.

"Napapadalas ang date niyong dalawa, ah? Kayo na ba?" tanong ni Manong Lando, ang street food vendor na lagi naming binibilhan.

I smiled at Manong Lando. "Hindi pa po."

"Mabagal pa din ba tong si Blest?" tukso niya kay Blest.

"Huwag muna natin siyang e pressure, Manong Lando. Mapapasagot ko din 'yan sa tamang panahon." wika ni Blest sabay kindat sa akin.

I playfully rolled my eyes on him. "Asa."

"Kayong dalawa talaga. Oh sya, pag naging kayo, papakyawin niyo tong tinda ko, ha."

"Baka maubos baon namin ng isang buwan, Manong." biro ko.

"Ako na bahala, Manong." ngumisi si Blest.

"Nakakatuwa talaga kayo tingnan. Naaalala ko tuloy ang aking misis." kumislap ang mata niya habang nakatitig sa kawalan.

"Inlove na inlove, Manong. Nasaan po ang asawa niyo?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin. "House wife ang misis ko. Nasa bahay, inaalagaan ang dalawa naming anak."

"Aba, sipag naman ni Manong Lando."

"Ganyan talaga pag may pamilya."

Mahaba pa ang usapan namin ni Manong pero madami na ang bumibili at kailangan na naming umuwi ni Blest para hindi kami abutan ng gabi. Isa pa, lagi din naman kaming andito.

"Nakakatuwa talaga si Manong." saad ko habang papunta kami sa table.

"Do you love it here already?"

Tumango ako. "Hindi ko alam na ang saya pala kausap ng mga vendors dito. Lalo na dun sa nagtitinda ng buko juice. Si Nay Amanda! Oo, madami siyang kinuwento sa akin noong nakaraan."

He smiled widely. "Glad you're having fun. How about me?"

Nag pantay ang kilay ko sa tanong niya. "Anong how about me?"

He reached through my hand and play with it. "How about me? Do you love me?"

My breathing hitched. Do I love him already? But love...is a deep word you can't easily say to someone. It requires commitment.

"Kidding," kumuha siya ng isang fishball at sinubo iyon sa akin. "Do you have curfew?"

Umiling ako. "Wala naman. Why?"

"Nothing. Nevermind."

"Eh? Ano nga?"

He shooked his head. "Gusto sana kitang dalhin sa bh pero hindi pa ako kilala ng pamilya mo. And isa pa, hindi ka pa nagpaalam."

Who Holds The Future? (Wild Fire Series #1)Where stories live. Discover now