05
"Eyzup, brother. Ano ulam?" bungad ko kay Kuya.
Kakagising ko lang at naabutan ko siya sa kusina na nagluluto. He's topless with apron. Sanay naman ako dahil ganiyan naman siya lagi.
"The usual morning breakfast, baby." he replied.
Tumango ako at naunang umupo sa lamesa. Nasa harap ko siya ngayon habang nagp-preto ng itlog at hotdog. That's our favorite every morning. Marunong din naman siyang magluto ng ibang ulam.
Nang matapos sa pagluluto si Kuya ay umupo din siya sa harap ko. Siya ang naglagay ng kanin at ulam sa pinggan ko.
"Ngayon ang araw na papasok ako bilang Professor niyo." wika niya.
Tumango ako at sinimulan ang pagkain. "Any activity for today?"
"Yes. Groupings."
Kumunot ang noo ko. "You'll group us? Ilan?"
"By pair."
"Okay. Grupo kami ni Claire, ah."
Nang matapos kaming kumain ay si Kuya na rin ang nagligpit at naghugas ng pinggan. Pumasok na ako sa banyo at naligo. Kuya wakes up very early to take a bath then work out for a few minutes. Nakasanayan.
When I finished everything, Kuya is already waiting for me outside his condo. Kumunot ang noo ko nang makita ang itsura niya.
"What's wrong with you?" I asked. Pumasok ako sa loob ng sasakyan niya.
Inayos niya ang necktie niya at tumingin sa akin. "Do I look presentable?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "May pinopormahan ka ba, Kuya?"
Hindi siya sumagot. Pinaandar niya ang sasakyan at tumulak na. Panay ang tingin ko sa kaniya habang nagmamaneho. Sino naman kaya ang pinopormahan ng torpe kong kapatid?
Nakarating na kami sa school. Nauna na akong pumasok dahil kailangan kong kunin ang libro ko sa locker, pagkatapos ay dumeritso na ako sa classroom.
"Good morning, Shan.." bati ni Claire.
Inilapag ko ang bag ko at lumapit kay Claire. "Morning, Claire.."
Ngumiti siya sa akin. "Anong balita?"
"Si big bro ang Math Professor natin ngayon."
Nanlaki ang mata niya. "Really? Ngayon pala ang first day niya sa 'tin?"
I nodded. "Yeah. May groupings na gagawin and grupo tayo, ah?"
Sumang-ayon agad siya. "Sige ba!"
Nakita ko na pumasok si Blest na may dalang dalawang chocolate. Umupo agad ako sa upuan ko para makapag-usap silang dalawa.
Lumapit si Blest kay Claire at huminto sa harap nito. He offered the chocolate. "Kumakain ka ba nito?"
Kinuha naman agad ni Claire. "Sosyal mo, Blest! Salamat sa chocolate!"
Tumango naman si Blest. Saktong nakatitig ako sa kanila nang lumingon siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtitig sa mga kaklase kong wala namang ginagawa. Nag-uusap pa si Claire at Blest. Halos palakihin ko na ang taenga ko para marinig sila pero naisip ko na moment na nilang dalawa yan.
YOU ARE READING
Who Holds The Future? (Wild Fire Series #1)
Teen Fiction"Love is just a waste of time." That was my motto. Not until I met him. A nerd and sweet type of person. Noong una ayoko siyang maging akin kasi gusto siya ng kaibigan ko. Pero taksil itong puso ko. Inibig ko ang taong mahal ng kaibigan ko. Naging...