12
I laughed with Claire whole day. I laughed with my all accusations about her liking Blest. She confirmed with me too that it's not Blest who's giving her some expensive chocolates and flowers. It's Blest older brother, Professor Chua.
The next day I went to school, sobrang ganda ng mood ko. Parang magaan na ang puso ko dahil sa nalaman. I kept smiling everytime a schoolmate walked past by me.
"You're happy." Blest commented when I arrived.
Nasa library siya at may makapal na libro sa kaniyang harapan. Binaliwala ko ang tanong niya at umupo sa harap niya.
Inayos ni Blest ang salamin niya at itinabi ang libro. "Why are you happy?" he asked again.
"Bawal ba maging masaya?" I smiled at him widely.
Nagpantay ang kaniyang kilay. "Iba ang ngiti mo ngayon."
Inilahad ko nalang ang kamay ko. "Do you have any fudgee bar right now?"
"No."
Ngumuso ako. "Bakit? You decided not to give me one anymore?"
May munting ngiti na gumuhit sa kaniyang labi na agad ding nawala. Tumikhim siya. "Yeah. Bakit naman kita bibigyan kung itatapon mo lang din naman? Hindi lang pera ang masasayang ko, pati effort."
"T-Tinapon?" I am totally shocked. "Paano mo nalaman?"
Tinatapon ko ang bigay niya kasi naiinis ako dahil mas mahal ang kay Claire at akala ko friendly offering niya lang iyon sa akin. I didn't know! But now...
"See? You didn't even deny it."
"Paano pag sinabi ko na kakainin ko na kung sakaling magbibigay ka ulit?"
Tumagilid ang ulo niya. "What makes you change your mind, Shanaiah?"
Inirapan ko siya. "Huwag na nga lang." pagtatampo ko. I stood up and immediately walked away.
Pumunta ako sa office ni Mommy para tumambay muna saglit. Nawala ang pagiging good mood ko dahil sa pagiging pilosopo ni Blest ngayon.
Bubuksan ko sana ang pintuan ng office niya when I heard them talking.
May meeting ba?
"She won't go to jail po, Tita. Hindi nag file ng case ang family ng biktima." I can hear Gab's voice.
"Bakit hindi sila nag file ng case?" she stopped for a moment. "I mean, I don't want her in jail but what's stopping them to sue —"
"Eavesdropping is bad, baby."
Inalis ko ang taenga ko sa pintuan ng sitahin ako ni Kuya. I smiled at him. "Papasok sana ako kaso nag-uusap pa pala sila."
"Who's in there?"
"Si Gab ata."
Tumango siya. "May sadya ka ba kay Mommy? Ako na ang magsasabi."
Umiling ako. "Tatambay sana ako saglit. Maybe some other time? Mukhang importante ang pinag-uusapan."
Kumunot ang kanyang noo. "Anong narinig mo?"
"About case? The victim's family won't file a case and Mommy is asking why. Sino ba ang tinutukoy nila, Kuya?"
Tinakpan niya ang dalawang taenga ko at nilayo ako sa office ni Mommy. He dragged me towards the school garden.
YOU ARE READING
Who Holds The Future? (Wild Fire Series #1)
Teen Fiction"Love is just a waste of time." That was my motto. Not until I met him. A nerd and sweet type of person. Noong una ayoko siyang maging akin kasi gusto siya ng kaibigan ko. Pero taksil itong puso ko. Inibig ko ang taong mahal ng kaibigan ko. Naging...