17
After his birthday, napagdesisyonan ko na sa amin umuwi at hindi sa condo ni Kuya. Sabado bukas at magpapaalam ako para sa lakad namin ni Blest.
Gab welcomed me with a hug. "Buti at umuwi ka dito."
"Nakakainip sa condo ni Kuya, Gab. Ako lang mag-isa."
"You can stay here until your Kuya is back. Isang room nalang ang under renovation." aniya.
"Okay. Saan nga pala si Mom and Dad?"
"Library. May importanteng pinag-uusapan."
I nodded. "Puntahan ko muna, Gab." paalam ko.
Tumakbo pa ako paakyat ng hagdan. I miss our home. Dito kami lagi naglalaro ni Kuya sa hagdanan. Ginagawa pa naming slide ang railing.
Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Magkaharap ang ina ni Gab at ang magulang ko. Napatingin sila sa akin.
"Oh, umuwi ka pala, anak." Mom offered a hug.
Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang pisngi niya. I did the same on Gab's mother. Yakap lang ang ginawad ko kay Daddy.
"What brought you here, hija?" Dad asked.
"May lakad po ako bukas. Sana payagan niyo po ako." paalam ko.
Nagkatinginan silang dalawa ni Mommy bago bumaling ulit sa akin. "With who?"
"With a friend." deritso kong sagot.
"Si Claire ba ito?" usisa ni Mommy.
"Hindi po."
Tumango si Daddy. "Magpaalam ka muna sa Kuya mo."
Ngumuso ako. "Dad naman, ang layo ni Kuya 'tsaka baka maabala ko yun."
"Nah. Binilin sa amin ng Kuya mo na sa kaniya dapat magpaalam pag aalis ka."
Tumingin ako kay Mommy. "My, hindi naman ako magtatagal."
They didn't answer me at all. Ngumuso ako at nag puppy eyes sa kanila. It didn't work. Instead of answering me, they talked back about their previous topics.
Lumabas ako sa library na malungkot ang itsura. Napansin ito ni Gab kaya lumapit siya sa akin. "Bakit ganyan ang itsura mo?"
Umiling ako. "Wala. I'll go to sleep, Gab."
Dumeritso ako sa kuwarto ko. Hindi ko namalayang nakasunod lang pala si Gab sa akin. Pagpasok ko ay pumasok din siya.
"Pinagalitan ka ba, Shan?"
"Nope. Nagpaalam lang ako na aalis ako bukas. Hindi sila pumayag."
Kumunot ang noo niya. "Where are you going? With who?"
"A friend. Hmp, minsan nga lang ako magpaalam lumabas, ayaw pa nila. They want a consent from my brother. Alam ko namang hindi papayag yun 'pag hindi siya ang kasama." I murmured.
Tumawa si Gab. "Do you want me to help you?"
Gulat ko siyang tiningnan. "Paano?"
Ngumisi siya sa akin bago kinuha ang phone niya at tinawagan si Kuya.
I slept peacefully that night. Si Gab mismo ang nagpaalam kay Kuya na may lakad 'kuno' kami kahit ako lang naman talaga. Sinabi niyang siya ang kasama ko kahit hindi naman.
YOU ARE READING
Who Holds The Future? (Wild Fire Series #1)
Teen Fiction"Love is just a waste of time." That was my motto. Not until I met him. A nerd and sweet type of person. Noong una ayoko siyang maging akin kasi gusto siya ng kaibigan ko. Pero taksil itong puso ko. Inibig ko ang taong mahal ng kaibigan ko. Naging...