22

9 0 0
                                    

22




Sumakay lang kami ng bus at huminto kami sa City Mall. Bumili muna kami ni Blest ng buko juice sa labas bago pumasok. Mainit kasi at ala una pa ng tanghali.



Napatingin ako sa magkahawak na kamay namin ni Blest at palihim na ngumiti. I didn't know that this would feel good. It's my first time having a date aside from my brother and cousin.



Lumingon si Blest sa akin at naabutan na nakatingin ako sa magkahawak naming kamay. I looked up on him and smile widely.



"Ano ang gusto mong subukan?" tanong niya ng makarating na kami sa wof.


Ginala ko ang tingin ko at napansin ang walang pila na store. It's a dart section. Agad kong tinuro iyon. "Gusto ko e try,"



Tumango siya at hinila ako papunta doon. Agad kaming nilapitan ng nakaupong lalaki. Siya ata ang namamahala nito.



"Maglalaro po kami," wika ni Blest.


Binigyan kami ni Kuya ng tatlong dart. "Pag tumama ang isa sa pula, makakakuha kayo ng malaking teddy bear."


Binigay ni Blest sa akin ang dalawang dart. "Ikaw na maunang tumira."


Umiling ako. "Hindi ako marunong."


"Diba gusto mo subukan?"


Tumango ako. "Pero baka hindi tumama sa gitna. Gusto ko pa naman sanang makakuha ng teddy bear."


Hinawakan niya ang kamay ko. "Tuturuan kita. Pero kahit hindi tumama sa gitna, huwag kang mag-alala, I'll make sure na tatama yung sa akin."


Ngumiti ako. "Okay."


Blest positioned my hand. "Kalmahan mo lang sa pagtira, okay?"


I nodded. My first throw is good pero hindi tumama sa gitna. Sa pangalawang tira ko naman ay muntik na tumama sa pula na nasa gitna.


"You almost got it, baby." bulong ni Blest.


Pumwesto siya sa likod ko at tinaas ang kamay niya, handa ng tumira. Nilagay niya ang kanang kamay niya sa balikat ko. He tapped it once.


"Sa tingin mo? Tatama to sa pula o hindi?"


I shrugged. "I don't know. But make sure it hits the center because you promised me to get one of those giant teddy bears."


He chuckled.



Sa isang iglap ay lumipad na ang dart at tumama iyon sa gitna. I was so shocked. Ang galing niya pala sa dart?


Nagising lang ang diwa ko ng ibigay na niya sa akin ang malaking teddy bear. Ngumisi siya sa at kinindatan pa ako. "Sabi sayo, e."


"Boastful," bulong ko.


"Hindi, ah. Pag ako kasi nangako, tutuparin ko talaga."


Ngumuso ako. I hope so.


Di kalayuan ang nakakita ako ng photo booth. The thought of both of us having pictures together excites me since this is our first. Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita. Agad ko siyang hinila at pumasok kami sa photo booth.



"Picture tayo," wika ko at pumindot ng mga filter sa screen. Nakakita ako ng pusa na filter kaya agad kong pinili iyon.



3..2..1... click!



Nakangisi ako habang tinitingnan ang camera. Blest was looking at me intimately. Hindi siya nakaharap sa camera kung hindi sa akin lang.



Nilingon ko siya. Nakatitig pa rin siya sa akin. Agad akong na conscious sa mukha ko.
"May dumi ba sa mukha ko?"



Umiling siya at nag-iwas ng tingin. What's wrong with this guy?



Kinalabit ko siya. "Uy? May nagawa ba akong mali?"



Hindi pa rin siya umimik. Nagalit ba siya kasi hinila ko siya kanina? Is that it?



"Are you mad with me because I drag you here? Ayaw mo ba sa photo booth?"


Hindi niya pa rin ako pinapansin.


I sighed. Fine.  "Okay, umalis na lang tayo dito."


I was about to stand when he grabbed me and pulled my face closer to him. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Ilang dangkal na lang ang layo ng labi namin sa isa't-isa. One wrong move and we'll kiss.


"Can I kiss you?" he whispered in my lips.


Napatingin ako sa labi niya bago sa mata niya. It is full of unknown emotion. Yung tipong emosyon na hindi mo malaman kung ano.



"Kailangan pa ba na magpaalam ka?" pabulong ko rin na sabi.



He smirked before kissing me. Sandali lang iyon at hindi malalim.



Huminga siya ng malalim bago ngumiti. "Picture na tayo?" aniya na parang walang nangyari.



Tumango na lang din ako.



We tried a lot of different filters. Blest is so cute with his glasses on. Halos sumakit na din ang tiyan ko kakatawa sa mga sinasabi niya. He has his own comment on our pictures and it's making me laugh.



"Teka lang, try natin ibang pose." aniya at tinanggal ang glasses niya.



Tumayo siya at pumwesto sa likod ko. He putted his arm on my waist and his face on my shoulder. Halos hindi ako makahinga sa puwesto namin.



"Click the button, Shan."



Agad kong pinindot ang button. Pa iba-iba ang puwesto ni Blest sa likod ko at nagugustohan ko rin naman iyon. I have no comment about his weird pose at my back because we captured a lot of nice photos.



"Pa develop na ba natin?" he asked me.



"Yeah..tara na."



Pagkatapos naming ipa develop ang halos fifty plus na mga pictures namin, dumeritso na kami sa food court. I don't like it here though.



"Puwede bang sa boarding house mo nalang tayo mag tambay?" I asked.



Kumunot ang noo niya at tumingin sa paligid. "Why? Sumasakit ba ulo mo?"



Umiling ako. "I just don't like it here. Mag movie marathon na lang tayo sa lugar mo."


Tumigil siya saglit bago dahan-dahang tumango. "Ihahatid kita sa inyo pagkatapos."


"There's no need. Gab will fetch me."


Tumango siya. "Okay,"



I assured him I'm fine and hold his arm till we arrived at his house. Sabay kaming pumasok sa loob, nag handa ng pagkain at nanood ng movie. I could call this as a cheap date before but there's one thing I believe right now.



It's not the place, the food, the money, and the gifts that makes it special. It is the person whom you love the most that matters.

Who Holds The Future? (Wild Fire Series #1)Where stories live. Discover now