18

5 0 0
                                    

18



"I'm glad you're back! Are you gonna stay here for good?" kapit na kapit pa rin ang kamay ng babae sa braso ni Blest.


"Bibisitahin ko lang si Mama, Sam. Uuwi din kami mamaya." he said before looking at me. Lumapit siya sa akin at pinakilala ako. "This is Shanaiah, my girlfriend."

Patago ko siyang siniko sa sinabi niya. Girlfriend mo mukha mo.

Tumingin sa akin ang babae at inusisa ako mula ulo hanggang paa. "She's familiar. Sikat ka ba, Miss?"


Umiling ako. "Hindi."


Kumunot ang noo niya bago tumango. "Hmm..pasok kayo."

Nauna siyang naglakad sa amin. Blest guided me towards the house. Hawak niya ang baywang ko.

"Ma! May bisita tayo!" she shouted when she entered the door.

"Sino na naman 'yan, Sam? Baka uutang na naman 'yan, ha! Wala na akong pera." galit na usal ng kaniyang ina.

Natawa si Blest. "Uutang sana ako, Tita Luciana!" sigaw niya.

"Naku! Naku!" natatarantang ani ni Tita Luciana at patakbo pang lumabas ng kusina para salubungin ng mahigpit na yakap si Blest. "Aking pinagpala! Buti at naisipan mong bisitahin ang iyong tiyahin!"

Mahigpit din na yumakap si Blest sa kaniyang Tita at hinalikan niya ito sa noo. "Siyempre naman, Tita. Miss kita agad, e."

"Bolero ka pa ding bata ka! Hindi ka na nagbago!"

Kinamot ni Blest ang ulo niya. "Hindi na po ako bata, Tita."

"True yan, Ma. Girlfriend niya tong kasama niya, oh." sabat ni Sam at nginuso pa ako.

Katulad ng ginawa ni Sam kanina ay inusisa rin ako ng kaniyang ina. Mula ulo hanggang paa. Hindi ako nahiya dahil maayos naman ang soot ko. Isa pa, galing ako sa mayamang pamilya kaya hindi naman siguro ako mukhang pulubi.


Ngumiti ako sa kaniya. "Good afternoon, po." bati ko sa magalang na paraan.

"Magandang hapon din, hija. Kailan pa naging kayo nitong alaga ko?" tanong niya sa seryosong tono.

"Uh...hindi ko pa po siya sinasagot.." nahihiya kong sabi.

"Talaga!?" gulat na tanong ni Sam. "Sa dami ng babae na pinaiyak mo dito, bumahag buntot mo sa isang to?" di makapaniwalang tanong ni Sam kay Blest.

Blest glared at Sam. "Tumahimik ka, tomboy. Iba si Shan. Hindi ko kayang saktan ang isang 'yan."

Kinurot ko ang kamay ko para pigilan ang ngiti na lalabas sana sa labi ko. Wala na, rupok mo, Shan.

"Kapal mo! 'Di ako tomboy! Kami na nga ni Vann, e." ngumisi siya at pinamulahan.

"Si Vann? Yung guitarist ba ng school dati?"

"Oo."

"Pumatol 'yun sayo? Pangit naman pala ng taste 'nun."

Binatukan siya ni Sam. "Gusto mo e-kuwento ko kay Shan lahat ng pinaggagawa mo dito dati? Sige ka, baka bastedin ka niyan."


"Tumigil nga kayo. Nakakahiya sa nililigawan nitong si Blest. Para kayong mga bata." saway ni Tita Luciana.


Lumapit siya sa akin at hinila ako palayo sa dalawang parang aso at pusa na nag-aaway. "Gutom ka na ba? Nag luto ako ng adobong manok."

Who Holds The Future? (Wild Fire Series #1)Where stories live. Discover now