Chapter 6
Ngayon ang araw na mag pe-present kami sa English. Lahat ay handa. Ang iba ay nag didikit ng visuals sa board habang ang iba naman ay inaayos ang device for presentation.
My partner and I simply sat in a chair while everyone worked on their particular endeavors. Sa lahat ay kami lang ang walang script ni Azriel. Napag desisyonan namin na mas maganda kung walang babasahin at maideliver ng maayos sa harap through interacting with them.
Inayos ko ang sarili ko nang dumating si Sir Perbs. I keep recalling my speech while he's introducing the purpose of this activity. Hindi ako nakikinig at focus ako sa pag coconstruct ng sasabihin sa panimula. Sinamantala ko ang minutong nag sasalita si sir para makapag isip ako.
Ano kaya ang pwede? Mas maganda siguro kung mag bibigay muna ako ng trivia or short introduction about our speech before introducing ourselves.
"Hands up! Hands up!"
Itinaas ko ang dalawang kamay ko dahil sa biglang pagsasalita ni sir Perbs. Lahat ay walang may alam tungkol sa pakulong ito ni Sir Perbs. Lahat sila ay palong palo na nakataas ng sobra ang kamay sa sobrang pagiging masunurin.
I shook my head in response to what I was thinking. Napansin naman 'yon ni sir dahil sa ginawa kong pag iling kaya sinenyasan niya nalang ako na huwag maingay sa gagawin n'ya.
I concealed a smile behind my lips. Ibinaba ko ng kaonti ang kamay ko dahilan para matakpan ng ibang kamay na nasa harap ko.
He employed this method to select the first reporter in front—without students knowing that they are the first reporter. Lahat ng kamay ng mga estudyante ay ipapataas n'ya at wala sa hulog na biglaan siyang mag babato ng papel ng nakatalikod. Kung kanino tumama ang papel ay siya ang unang mag rereport sa harap.
Nalaman ko ito kay Kuya. Naging teacher n'ya noon si Sir kaya lahat ng mga pwedeng pakulo na gawin ni sir ng hindi namin nalalaman kung para saan ay alam ko na.
Tumalikod ni sir, umaaktong may kinukuha sa drawer ng table. Pansin ko na onti-onti na umaangat ang kamay niya. At wala namang malay ang mga kaklase ko doon! Para akong timang na ibinababa ang sarili upang hindi mabato sa akin ang papel.
"Hands up, Hands up!" ulit ni Sir Perbs. Lahat ay mas lalong itinaas nila ang kamay dahilan para mapangiti ako.
Para sa akin, ito na ang pinakamagandang nagawa ng mga kaklase ko sa buong buhay nila. They will save my life. Hindi pa ako sobrang prepared at kapag sila ang nauna ay makakapag isip pa ako.
"Gotcha!"
Namilog ang mga mata ko. I was taken aback and had to balance myself to maintain the low standing position. Nakataas ang kamay ko at nagugulat na napatingin sakanila dahil lahat sila ay sa aming side nakatingin!
Dahan-dahang umayos ako ng tayo, hindi pinapahalata na nandaya ako. Doon ko napansin na hindi sila nakatingin sa akin. My eyes widened when I turned at my side. Nakatingin sila sa katabi ko na ngayon ay nasa kamao ang papel!
I laughed with Sir Perbs because of the innocent look on his face and his reaction. Nakaangat naman ang kilay niyang nakatingin sa akin dahilan upang dahan dahan kong takpan ang bibig ko para pigilan ang sarili na gumawa ng ingay sa pag tawa.
We were the first to report in front, but I didn't feel irritated or annoyed. Instead, I was even more delighted by his reaction. He was so unaware!
"You know what to do, Ms. Siveria,"
Tumango naman ako, I understood Sir Perbs's words instantly.
My gaze went to my partner. Nag tatanong ang mga mata niya sa akin dahil hindi niya pa din alam kung ano ang nagawa niya. Sa itsura niya ay para siyang inakusahan sa binibintang sakaniya na hindi naman niya ginawa.
BINABASA MO ANG
Barely Captivated
RomanceKalea Harana Siveria, believes that only good men exist in fictional world. Naturally, the class has many attractive individuals. However, despite their attractive faces, it doesn't appeal to her enough to meet her lofty standards and captivate her...
