Chapter 23

94 7 7
                                        

Chapter 23

Bitbit namin ang corndog na binili namin sa malapit na food stall. Sakto naman na pagpila namin doon ay pasarado palang sila.

Binili namin 'yong apat na natira sa display glass, buti nga daw binili pa namin dahil sayang din kung may matitira pa. Alas-siyete na rin ng gabi. Medyo malamig ang simoy ng hangin, pero sapat lang para maramdaman ko ito sa balat ko nang hindi giniginaw.

As Theodore and I walked back to the bench, there was no clear sign that something was shifting. But deep down, I felt it—something unspoken settling between us. Tingin ko, It wasn't just the end of a long day. It was the beginning of something I didn't yet have the words for.

Tahimik lang kami pareho ng maupo sa upuan. We're still here at the place where he followed me earlier. Hindi naman masyadong madilim, may liwanag pa naman mula sa ilaw sa court at sa building ng school.

Kampante din naman ako na dumito muna kami dahil hindi naman isasara ang school hanggat may tao pa. At saka sino ba sila para humadlang sa lovelife ko na ako lang ang nakakaalam?

Sumubo ako ng kaonti sa corndog ko, then glanced at him. Tahimik siya kaya ako na ang bumasag sa katahimikan. "Masarap?" tanong ko.

"Hmm," tumango siya. "Gusto mo pa? I still have one." sabi niya pagtapos sumulyap sa hawak kong kalahati nalang.

Umiling ako. "Okay lang, busog na din ako. Gusto mo ba ako patabain?"

Gusto ko sabunutan ang sarili ko. Oa mo Harana. Parang tataba naman ako agad-agad dahil lang sa corndog?

He laughed softly, that kind of laugh na hindi malakas pero ramdam mo. It made something in my chest flutter, kahit pa ilang beses ko na siyang naririnig tumawa.

Sandali akong natigilan, then decided—now or never sabi nga nila. Nandito naman na kami, lubusin ko na 'diba?

"Theodore.." I started, voice unsure, "Naalala mo pa ba 'yong sinabi ko sa'yo? That night sa ice cream shop?"

He looked at me, curious. "Hmm?" he hummed. "Iyong... kakantahan kita?"

"'Oo..." nahihiyang sabi ko, at ramdam kong namumula na 'yong pisngi ko.

Napakunot ang noo niya, parang hindi niya gets kung bakit ko biglang binanggit.

"Bakit? Hindi ka ba nag-enjoy kanina?"

Umiling ako. "Hindi naman sa gano'n. Pero... hindi ko talaga na-enjoy, eh. Like, 'yong super." pag amin ko ng totoo.

Nag-aalangan ako, pero sinubukan kong ipaliwanag. "Sadyang may bumabagabag lang sa akin kanina. Hindi ko maatim na maenjoy 'yon, siyempre wala ka." makapal na mukhang sabi ko sakaniya.

Natahimik siya saglit. Nag aalala ang mukha niya ng mag angat siya ng tingin.

"I'm sorry. I ruined this day for you."

"Hindi ah," I shook my head quickly. "Hindi mo kasalanan. Ako lang talaga... may mga iniisip."

Nagkatinginan kami. And then he smiled a little—like he understood. Hindi na niya binungkal ulit 'yong usapin na nadaanan na namin kanina. Mas okay na din, hindi ko na din alam kung anong sasabihin ko sakaniya eh.

"But," he said, "Even if you had fun... even if we didn't end up doing the deal we agreed on, I'm still going to sing for you."

My heart skipped.

And somehow, kahit wala akong masabi agad, I felt something settle inside me. Like maybe, just maybe, this night wasn't ruined after all.

And as he glanced down at the corndog in his hand, then back at me with that quiet resolve in his eyes, alam ko na. He meant it.

Barely CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon