Chapter 18

544 15 14
                                    

Chapter 18

Kalea:
Hello! Malapit na po ako. Nag lalakad na palapit sa'yo💗🦋

Theodore was dressed fully in his uniform and held a phone in his hand;nakasandal siya sa pader na nasa tabi ng pinto ng AVR at nasisinagan siya ng araw sa kinatatayuan n'ya. He was looking in my direction after he read my message. It's as if his eyes are sucking me in because I can't take my eyes away from him—hanggang sa makalapit ako sakaniya ay hindi ko pa din inaalis ang tingin ko. His thick eyebrows and perfectly pointed nose declared how attractive he was. His jaw appears fairly fine, and his lips crimson rather than pallid.

Luge sa pamilya niya, may sariling london boy.

Theodore was staring at me as though I were an angel that God had just sent to save him from his drowning feelings. When he turned to face me, his lips remained agape—and I sensed a greater something in his eyes. Pasimpleng napahawak tuloy ako sa aking pisngi dahil doon. Napadami siguro ng lagay si Astraea ng blush-on?

The feeling of panic started to build in my chest. Wala pa namang salamin kanina at mata niya lang ang pinanghawakan ko na maganda ang kakalabasan! Gagi, baka mag kamukha na kami ni Sassa Girl?

Maaga kasing umalis ang teacher namin sa second subject;kaya habang walang ginagawa ay naikuwento ko kay Astraea ang chat ni Theodore kanina na pinapapunta nga ako sa AVR after break. Ginamit namin ang extra time para lagyan niya ako ng make up na hindi ko din naman tinanggihan.

Date ba 'to?! Kaso kung date bakit nasa AVR kami? Baka naman may aaminin siya sa akin? Or baka tuturuan niya ako mag calligraphy or whatsoever. . .

Ipilit natin, Kalea.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko nang nag angat ako ng tingin sakaniya. Theodore was obviously taller than me, kaya kailangan ko talaga mag angat ng tingin kung kakausapin ko siya. Sana ay hindi niya isipin na gumagawa ako ng scenario sa utak ko na tungkol sa aming dalawa!

I lightly struck the ground with my foot—hinihintay na siya ang unang bumasag sa katahimikan. Agad niya naman nakuha 'yon kaya tila bumalik ang ulirat n'ya.

"Ah.." he chuckled. Inayos n'ya ang collar ng suot niyang uniform sabay iwas ng tingin sa akin pag tapos. Ang cute naman ng baby ko na 'yan! "Sorry, tara pasok na tayo."

He used his hand to turn the AVR's door knob in front of us. Pagbukas ng pinto ay pinauna niya ako sa loob. Bumungad sa mga mata ko ang sobrang daming estudyante sa loob. Namukhaan ko rin 'yong mga student councils sa gilid na nasa amin din ang tingin dahil sa eksenang pag bukas namin ng pinto. Anong mayroon? Bakit andaming tao?

Hindi kaya. . . nadevelop na ni Theodore ang feelings sa akin kaya manliligaw siya sa akin sa harap ng lahat? Omygosh!

I thought about what a good reaction I would do for what would happen later. S'yempre dapat iyong maganda ako! Hahawakan ko ba yung bibig ko? Iiyak dahil sa tuwa? Or tatalon at yayakapin siya sabay yes? My lips formed a thin line. Kahit hindi ko pigilan ay kusang lumabas ang impit na tili sa labi ko.

Dinungaw ako ni Theodore. Nakatayo pa din kami sa pinto kaya agaw eksena talaga kami. "Are you okay?" Worry flits over his face—marahil dahil narinig ang tili ko.

Nangingiti akong napailing. "Oo okay lang ako."

He nodded, reassured by my smile that I was totally fine. Tuluyan na niya akong ginaya sa likod dahil doon nalang ang may space. Actually tatlong upuan pa at parang hinanda talaga sa amin. Dahil sa sobrang daming tao, doon lang talaga sa puwesto na 'yon ang walang nagtangkang umupo. Ramdam ko ang tingin sa amin ng lahat habang nag lalakad kami papunta sa likod. Eksena si ante.

Barely CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon