Chapter 19

614 10 6
                                    

Chapter 19

"Bayad for contri, 100 pesos!" bati ko sa isang kaklase ko na papasok palang sa room. I was so energized that our quiz never made me feel nervous.

I'd already barred my classmates from entering the classroom to solicit their contributions, even though I had no other option but to do it so. Utos kasi sa akin ni Vian na kailangan ay singilin ko na sila lahat.

Nakokonsensya nga ako kasi kakapasok lang nila ay kamay ko ang bubungad sakanila. Ampangit na bungad no'n for sure! I ought to at least give them a seat first, pero wala, eh. Utos ni President at nakalagay kasi sa notes na sinend sa akin ni Theodore na dapat by Wednesday nasa president na lahat ng funds. Bibili pa kasi 'yong mga student council ng materials na gagamitin.

"Kalea, paawat ka naman! Kakapasok ko lang, teka muna," sabi ni Felice dahil hinarangan ko siya sa pinto ng room.

My lips shifted downward. Bakas sa mukha niya ang pagod kaya hinayaan ko s'ya na makalagpas sa akin. Bukod kasi sa dala niyang bag ay may bitbit din siyang mga libro at columnar pads.

Kahapon pag balik ko galing sa meeting ay sobrang daming binigay na activities ng mga profs, dagdagan pa na may quiz kami sa FABM 2 at sa Statistics and probability ngayon.

Humalukipkip ako at nagdesisyon na bumalik na sa upuan ko. 10 minute nalang kasi bago mag bell, saka halos kalahati na rin naman ang nakapagbayad kaya siguro kaonti nalang ang sisingilin ko mamaya.

Nilapitan ko si Astraea na nakapangalumbaba sa desk niya. Halatang problemado siya dahil nakatulala siya sa kung saan.

"Astraea!" tawag ko kay Astraea. Sinagi ko ng mahina ang braso n'ya nang makalapit ako. I was smiling ever since. Pero kabaligtaran naman s'ya ngayon.

Anong problema ng gagang ito?

"Okay kalang?" nag aalalang tanong ko at sinilip ang mukha niya. She merely shook her head in response.

"Hindi, eh." She replied to me in a way that is honest and forthright. Her expression makes it clear that she is deeply upset.

Alam ko na agad kung dahil saan. I nodded to her as if I understood her predicament. Sino ba naman kasi ang hindi mape-pressure kung dalawang subject ang ita-take namin na quiz ngayon? Oo at quiz lang iyon, pero malaki din kasi ang hatak sa grades.

"Hindi kasi ako nakapag review. . ." problemado siyang napahawak sa mukha niya.

I'm intimately acquainted with Astraea. Kilala ko siya. I knew Astraea was going through something when I noticed how upset she was about the quiz. Mula bata kami, alam kong paborito niya ang subjects na may mga related sa numero, though hindi lahat sa ABM ay puro math talaga. At times, a more in-depth understanding is required.

Lahat ng mga mahihirap na subject sa ABM na nahihirapan ako ay madali lang para sakaniya. Kaya nakakapagtaka talaga na namomroblema siya sa mga quiz ngayon, because as for her, she always looked forward to exams. Excited pa nga siya palagi.

"May problema ba?" I used my soft voice to asked her.

She nodded and gave me her charming smile. She's the best liar I've known. "Okay lang. . . . namomroblema lang talaga ako sa magiging score ko ngayon. I was aware of the fact that I neglected to review last night, deserve ko ang mababang score ngayon kung mababa ang makukuha ko mamaya. Pero paano kung madissapoint 'yong mga taong nasa paligid ko?"

Tahimik lang ako at pinakikinggan ang kung anong hinaing niya. Ngayon ko lang nakita na ganito si Astraea, kaya sobra na lamang din ako nasasaktan na ganito pala ang iniisip n'ya kung makakakuha siya ng mababa na score sa exam.

Barely CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon