Chapter 25
“Thank you,”
Mahina kong sabi habang pinagmamasdan si Theodore na abala pa rin sa pag-aayos ng gauze sa sugat ko na para bang makakawala ito doon. After we finished talking and once he was done treating my wound, he walked me out to the gate of their house.
Habang ginagamot niya nga ako kanina ay sa kaniya ako naglabas ng mga hinaing ko. Astraea kept messaging me nonstop on all my socials, but I didn’t even bother to open a single one. Alam ko kasing mang-aasar lang ’yong babaeng iyon sa akin. Nakasimangot lang ako habang pinapanood ang pag-tunog ng cellphone ko na walang tigil.
Parang batang nagrereklamo ako habang kinukuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari kaninang umaga. Hindi ko alam kung gusto ko bang maintindihan niya ako, o kung gusto ko lang ng kakampi. Pero sa halip na seryosohin ako, natawa lang siya sa buong kwento ko. Baliw din, eh.
Medyo naiilang nga din ako dahil halos tatlumpung minuto siyang naglalagay ng gamot sa sugat ko, sobrang dahan-dahan na parang natatakot siyang masaktan ako. Ang ironic, ‘no? Siya, todo-ingat. Samantalang ako, nagawa ko pang mag video talaga!
“Tanggalin mo na lang ’yong gauze after one hour,” mahinahong sabi niya, halos pabulong habang maingat ang bawat galaw. Nasa labas na kami ngayon ng gate. “Kapag papalitan mo, linisin mo muna. Alcohol and clean water will do. Kung hindi na masyado masakit, puwede mo na ring hindi bandage-an.”
Tahimik akong tumango. Ramdam ko ’yong init ng palad niya habang nakaalalay sa kamay ko. My eyes lingered there longer than they should have, watching the way his fingers curved around my skin.
I placed my hand on my forehead, parang nag-sa-salute. “Opo boss, salamat sa alaga,” I said teasingly, offering a small smile.
He smiled back and nodded at me.
He gestured with his hand, like he was telling me I could go now. But it wasn’t dismissive. Parang sinasabi niya sa akin na magpahinga na ako.
When I got home, I found my mother in the kitchen, sipping coffee while the radio played softly in the background. She was still in her outside clothes, probably just got back from the market.
Napatingin siya agad sa braso kong may benda nang makita niya ako.
“Kalea. . . anong nangyari sa’yo?” she worriedly asked, her brows furrowing as she walked closer to inspect it.
“Natapilok lang, Ma.” I lied. Gusto ko tuloy matawa. “Ginamot naman na po ni Theodore, okay na po.”
She paused mid-step. Her eyes lifted to mine, curious and just slightly surprised. “Theodore? Siya ba ’yong anak ni Kanaia? ’Yong dating kapitbahay natin?”
“Opo Ma, siya po,” sagot ko at naupo sa tapat niya. Kumuha ako ng tinapay na nasa counter table, agad kong sinubo ’yon na parang hindi ako kumain ng isang linggo. Nakakagutom pala magkaroon ng sugat.
“Ah... bakit siya ang gumamot? Magkasama kayo? what’s going on between you two? Have you patched things up?” Her voice was calm but laced with curiosity. She knew we hadn’t seen each other in years. She knew that we used to be close, that we're childhood friends, that he’s my co-service and classmate—until fifth grade, when he suddenly left, and we lost touch.
Umikot lang ang daliri ko sa rim ng tasa ng kape. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sunod-sunod na tanong niya. Nilamon ako ng hiya bigla.
Hindi alam ni Mama na bumalik na pala ang pamilya nila dito sa amin. Na dito na ulit sila titira sa street namin. Honestly, I had no idea where they went after he disappeared. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin naitatanong ’yon sa kaniya. Bukod dito, hindi rin nakikita ni Mama si Theodore, hindi naman kasi siya pala-labas ng bahay at laging nasa loob lang. And on the rare times na lumalabas siya, baka sakto namang nasa loob si Mama. They just haven’t crossed paths yet—kaya hanggang ngayon, wala pa ring ideya si Mama na nakabalik na sila.
BINABASA MO ANG
Barely Captivated
RomanceKalea Harana Siveria, believes that only good men exist in fictional world. Naturally, the class has many attractive individuals. However, despite their attractive faces, it doesn't appeal to her enough to meet her lofty standards and captivate her...
