Chapter 28

51 5 1
                                        

Chapter 28

"Usog kayo mga 'te!"

Boses 'yon ni Astraea. Her voice is slicing through the chaos inside the jeepney. Natutop ko tuloy ang bibig ko. Ang ingay talaga ng babaeng ito! Nagkakagulo kami ngayon dito sa jeep at pilit na pinagsisiksik ang sarili. Halos hindi na din kami magkarinigan dahil mga maiingay lahat ng kasama ko.

"Dalawa pa sa kanan!"

I sucked in a breath. Dalawa pa? Eh para na nga kaming sardinas dito sa loob.

"Sikip!" komento ni Hyacint, isa sa mga kaibigan ni Astraea sa kabilang section. Sampu kami na sabay-sabay papunta sa Mall, ewan ko ba sa mga 'to at naisipan na mag commute imbes na mag book nalang ng grab.

"Sobrang sikip!" makahulugang sabi ni Cecily. Her voice slightly raised over, causing the laughter that followed.

I looked at them, confused. Anong nakakatawa? Did I miss an inside joke?

"Tetris player siguro 'to si kuya no'ng prime niya," rinig kong bulong ni Astraea. Napakagat ako sa labi para hindi matawa.

Totoo din naman kasi. Wala ng space para makaayos ng upo ang iba. Naiintindihan ko naman na magkakaroon din ng space once na may bumaba na sa malapit, pero hindi ko din talaga maintindihan kung bakit kailangan ipagsiksikan 'yong mga pasahero sa loob?

Sa gitnang bahagi ako nakaupo, katapat ko si Astraea na pansin kong nahihirapan. I couldn't help but notice how awkwardly she was positioned, only half her butt was on the bench, clearly struggling because of the oversized tote bag slung across the lap of one of our classmates beside her.

"Kandong kita?" pang aasar na tanong ko.

Napatingin siya sa 'kin. "Tulak kita?"

Umiling ako at sininghalan siya. "Aya now, regret later."

Napatawa ako sa isip ko. Kung hindi niya kasi ako niyaya rito edi sana makakaupo siya ng maayos!

A woman's voice cut through the noise. Napahinto kami sa kaniya-kaniyang usapan ng mag salita ang nasa mid 20's na babae.

"Kuya, konti pa ha! Kakasya pa kami." I can hear the sarcasm through her voice. Then came the screeches from our fabulous, overly dramatic gay friends beside me. Umalis pala 'yong babae sa jeep.

"Sucess! Nakaupo rin!" ani ni Farah. Her relief was almost theatrical, and the way she beamed made it seem like she had just won a war. Agad niyang nilipatan ang upuan no'ng babae na umalis kanina dahilan para makaupo na ang lahat ngayon. "Tetris level expert unlocked."

Napatingin naman ako kay Cecelion na nasa tabi ko, kinalabit niya ako at tinuro 'yong babae na bumaba ng jeep kanina, nakatayo siya sa gilid na nag hihintay ng masasakyan. "Pag umulan ng biyaya mamaya, feel ko siya unang mababasa."

I couldn't help it, I laughed too. It was absurd, this whole situation. We were packed like crazy, sweating buckets, but somehow, this chaotic ride had turned into a bonding moment. Hindi ko sila mga kilala, wala akong masiyadong memories na kasama sila, but now, sitting here in this suffocating jeep, squished between Astraea's loud friends and the thick air of Metro traffic, I find myself... surprisingly okay. I realize it's not as bad as I imagined.

I once believed that people, especially those you barely know.. are fake. Pretentious. Mahirap i-approach, or they just talk to you when they had something to gain. Pero hindi pala ganoon. Maybe sometimes, strangers aren't as strange as you think.

Hindi ako parte ng circle nila, hindi ako nasa center, pero hindi nila pinaparamdam sa akin na naleleft-out ako. Kinakausap nila ako kapag napapansin nila na natatahimik na ako sa gilid, they always make sure that I'm still on the line.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Barely CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon