Chapter 11

429 9 0
                                        

Chapter 11

"Baka masira!"

Amedeo rejected the notion. Pinagpipindot n'ya pa din ang door bell ng gate nila Azriel ng mahigit pa sa sampung beses.

"Theontado lumabas ka sa lungga mo!"

"Kalmahan mo, Amedeo. Baka nandiyan parents n'ya lagot ka." sita ko sakan'ya.

Sabado ngayon, alas nuebe palang ng umaga ay nasa labas na sila ng bahay namin. Sinabi ko kasi sakanila na samahan ako sa bahay nila Azriel dahil baka kailanganin ko din ng tulong nila.

Speaking of, gumana naman ang ginawa kong magic kagabi. Kahit papaano ay may pumasok talaga sa utak ko kahit kaonti. I hate my skills when it comes to mathematics, fast learner nga pero may short-term memory pag dating sa lessons ng math!

"Sigawan nalang kaya natin?" Astraea stipulated. Napakamot pa siya sa kaniyang pisngi dahil may butil ng pawis na tumulo doon. "Alam n'yo na. . Baka tulog pa kasi 10 am palang."

"Eh, bakit kasi ang aga natin pumunta?" tanong ni Amedeo na nag tataka din dahil ang aga nga namin mang bulabog sa bahay ng iba.

"Aba malay ko?" tanong ko din pabalik. "Sabi ko ala una po, bakit kasi 9 kayo pumunta?"

"Ewan ko dito!"

Upon saying that word together, Amedeo and Astraea imparted 1 finger to one another. Napailing nalang ako at ako naman ang sumubok na pumindot sa door bell.

Sa ikatlong pindot ko ay nakarinig na kami ng yapak papunta sa amin. Lahat kami ay napaayos ng tayo at natutop ang kaniya-kaniyang labi.

We look like puppies who suddenly become decent.

Pag bukas ng gate ay bumungad sa amin ang isang lalaking matangkad. He was clearly startled awake by the sound of their door bell, as seen by the tousled hair and sleepwear he was still wearing. Hindi pa s'ya tuluyang nag aangat ng tingin pag bukas niya ng gate, ang paningin ay nanatili pa din sa sahig dahil nagkukusot pa s'ya ng kaniyang mata.

"Ano po 'yon?" he posed the question in a drowsy tone. His eyes is still not meeting ours.

"Theontado po." Amedeo answered with his sluggish tone.

Nagising ang huwisyo ni Azriel at agad na napaayos ng tayo. Doon niya na din tuluyang nakita kung sino ang nasa harap n'ya; Ako, Astraea, at Amedeo. Bakas ang gulat sa mga mata niya na makita kami na nandito sa harap n'ya.

I was wearing my usual pink plain cardian while white tube-top underneath. My short was turn-up black high waisted. Gusto ko nga sana pumunta dito ng nakapantulog nalang dahil kapit-bahay ko lang naman s'ya, pero syempre gusto ko din naman mag mukhang presentable. May pamilya din naman siya na naroon sa bahay nila.

"Hui, umubo ka." rinig kong kalabit at bulong ni Amedeo kay Azriel na naiwan ang tingin sa akin. Bahagyang nasa akin ang paningin nilang dalawa—side eyeing me for some reason.

Tumikhim si Azriel. Napangiwi naman ako dahil ako ang nahihirapan sakaniya dahil may kasama pa talagang plema. Kahit pakiramdam ko na pilit ang ubo n'ya ay  kapaniwa-paniwala naman.

"Bakit. . . kayo nandito?" inisa isa n'ya kami ng tingin.

Dahil umaga palang ay matindi pa ang sikat ng araw, ang liwanag ng araw ay nakatutok talaga sa amin dahil wala namang puno sa direksyon kung nasaan kami. Azriel is still looking fresh even if he just woke up. His face . . . It has an almost perfect complexion.

Nginuso ako ni Astraea. "Hindi ba sinabi sa 'yo ni Kalea?"

"Ang?" It seems like Azriel has no idea. S'yempre, hindi niya naman talaga alam dahil hindi kami chatmates para i-chat sakan'ya 'yon!

Barely CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon