"ARAY.. ano bang nangyari sakin?" sapo ko sa kumikirot kong noo, "Teka, ano to? D-dugo?!" napatayo ako habang nakatingin sa palad ko, "Kailan ako nagkasugat?"
Pero mas nagulat ako nang mag-angat ng ulo, "Namamaligno ba ko o ano? P-panong napunta ako dito sa labas? Nasa loob lang ako ng kwarto ko kanina tapos.." hindi ako makapaniwala habang nagpapaikut -ikot, "Tsk, malamang nananaginip lang ako, syempre, hindi 'to totoo Lien kaya kumalma ka lang, okay..?" pilit kong kumbinsi sa sarili.
Sa isang iglap para akong napunta sa ibang dimensyon. Dahil literal na nakatayo ako sa isang masukal na daan sa gitna ng kagubatan? Nag-umpisa nang kumabaog ang dibdib ko kaya minabuti kong maglakad-lakad nalang muna para libangin ang sarili habang nag-iisip ng gagawin.
Hanggang sa humantong ako sa isang napakalinaw at napakalinis na ilog. Tila isang paraiso ang tanawin ron. Sariwa ang hangin, maaliwalas at tahimik ang lugar. Perfect ang ambiance don sa pagsusulat ng nobela.
"Teka, nobela?" natigilan ako at muling umikot para isa-isang tingnan ang mga palatandaan, "Hindi, hindi.. baka nananaginip lang ako? Kasi imposible eh, pero para talagang.. ito mismo yong settings na naiimagine ko sa sinusulat ko?" pamaywang ko.
Nabulabog ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ako ng kaluskos kaya taranta akong nagtago sa likuran ng malaking bato at pasimpleng sumilip sa kung sinong paparating.
"R-rou Xuan?!" naibulong ko sa pagkamangha,"Tama ba ang nakikita ko?" napatakip ako ng bibig at napaiwas ng tingin dahil sa walang pasintabing paghuhubad nito ng saplot, "G*go, si Rou Xuan nga! Ibig sabihin.. nasa loob ako ng nobela ko?" kagat-labi ko, "P-paano nangyari?!" di ko lubos na maisip,"Hindi kaya nababaliw na ako o nagdideliryo?" muli akong sumilip upang makasiguro,"Medyo kulot ang dulo ng mahabang buhok, may mga matang parang uhaw na lobo, makapal at mapupulang labi, ang maputi niyang balat na puno ng bakas mula sa pakikidigma at matipunong katawan." describe ko sa katangian nito, "Siya nga talaga yon, ang ikaapat na Prinsepe ng Weiyan."
Wala sa sariling pinanood ko ang kanyang paliligo na puno ng pagkamangha. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na makikita ko ng personal ang character na iniimagine ko lang sa loob ng ilang buwan. Kumikinang pa ang abs at muscles niya dahil sa tubig.
"Ay, naku, bakit ba ako naninilip?" naisaboses ko nang mahimasmasan saka tumalikod. Ngunit halos maduling ako nang sumalubong sakin ang talim ng isang espada na gapapel lang ang pagitan mula sa ilong ko.
"Kaninong ispiya ka?" maawtoridad nitong tanong.
Napalunok ako nang makilala kung sino ito at kusang napataas ng kamay, "H-hindi ako ispiya.." utal kong balik, "Ako ay.."
Sigurado akong siya si Zi xin dahil sa suot nitong baluti, ang personal guard ni Prince Rou Xuan. Wala siyang sinasanto kaya hindi ako dapat magpadalus- dalos sa sitwasyon lalo pa at alam ko kung paano siya mag-isip. Isang maling salita lang ay maari niya akong patayin sa kinauupuan ko mismo.
Itinaas niya ang baba ko gamit ang kanyang sandata. Kaya di ko rin naiwasan ang hangaan ito nang magsalubong ang aming mga mata. Katulad ng Prinsepe ay napakakisig rin nito at hinulma ng pakikidigma ang pangangatawan.
"A-ako nga dapat ang nagtatanong kung sino ka," bawi ko, "W-wala kasi akong matandaan na kahit ano o kung sino ako? Nagising lang naman ako sa lugar na ito pagkatapos narinig ko na may kumaluskos kaya ako sumilip. W-wala naman akong nakita sa kasama mo, promise!" pasinungaling ko kahit ang totoo'y nakita ko ang buong kaluluwa nito.
Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko kaya nailang ako.
"H-hoy, wag mo akong tingnan ng ganyan ah"
BINABASA MO ANG
Lost In My Own Novel
FantasyWhen Lien was about to finish her novel, she suddenly felt a hit on the head and lost consciousness, unaware that she accidentally deleted all of her work. As she wakes up, she finds herself in an unfamiliar yet strangely familiar world. Lying on a...