Epilogue

372 12 0
                                    

LIEN'S POV

      NANGATOG ang tuhod ko nang makitang buhay na buhay si Zi Xin, naiba nga lang ang ayos niya. Modern ang outfit na suot niya at maikli na ang gupit ng kanyang buhok. Naiba na rin ang tono ng pananalita niya. Wala na ang bakas ng pagiging kawal niya mula sa lumang mundo. Napakacasual ng pag-entertain niya sa blockmates ko.

"Uhm, excuse me," singit ko, "Pwede ba kitang makausap sandali?" lakas loob kung lapit sakanya, "May gusto lang sana akong itanong sa'yo.."

Mangha niya akong tiningnan dahil sa seryoso kung expression, tila nagtaka naman ang pinsan niya na katabi lang niya.

"You know what?" saad ng huli, "I heard na medyo stress itong si Lien, she's one of Jade's classmates by the way, so uhm.. why don't you give her a little talk, para malibang naman siya?" anito na binasag ang awkward atmosphere sa pagitan namin.

Kusa na siya nitong itinaboy palapit sakin. Nagpatianond nalang si Zi Xin or Zai. Hindi naman nagprotesta ang iba dahil alam din nilang hindi maganda ang mood ko. Bago pa ako sunduin ni Sofia ay nabanggit na niya sa gc namin ang pag-iiyak ko. Kaya hindi rin nila ako masyadong pinipilit na makijoin sakanila.

Hila-hila ko siya sa braso papasok sa loob at papalabas sa may gate dahil ayokong may makarinig sa usapan namin.

"H-hey, you okay?" taka niya na marahang kumawala sakin.

"Zi Xin! Ako to si Yi Ran? Hindi mo na ba ako natatandaan?!" diin ko nang harapin ko siya, "Paano ka napunta dito?"

"Uhm.." halatang naguluhan siya, "Miss, I'm sorry pero.. I-i don't think I've met you before?" kunot-noo niya.

Napabungtong-hininga ako.

"Imposible," iling ko, "Nag-eenglish ka lang ngayon pero yan na yan pa rin ang boses mo walang nagbago! Ikaw pa rin ang kawal ng mahal na Prinsepe di'ba? Zi Xin!"

"Look, is there anything I can do to help to make you feel better?" alok niya.

Naalala ko ang mga tama ng palaso niya sa katawan.

"Alam ko na," lunok ko, "P-pwede ko bang makita ang loob ng damit mo?"

"W-what?!" natatawa ang gulat niyang mukha, "Are you serious? You want to strip me here?"

"Hmm!" tangu-tango ko, "May kailangan lang akong makita, yong mga peklat mo! Ichi-check ko lang kung nandyan pa.."

Saka siya tila mas naguluhan, "H-how did you know about my scars?"

"Basta!" at agad kong hinagip ang kwelyo ng suot ng polo, "Tama na ang satsat, hubarin mo na kasi yan para makita ko kung talagangㅡ

*Click *click

Sabay kaming napatakip nang mata nang biglang may magflash sa kung saan.

"Eeeehhhh!!!!" Tiling kantyaw ni Averyㅡpinsan niya, "I knew it, I knew it! Sabi ko na nga ba eh, may something yong paglapit mo sa cousin ko!" isa pang flash, "Oh my G/od finally!" kinikilig nitong sambit, "Sige na, ituloy n'yo na yan, di ko na kayo aabalahin! Go Zai!" at saka ito masiglang nagtatakbo pabalik sa loob.

Mas lalo akong napasimangot nang makita ang nakangising mukha ni Zi Xin/Zai.

"Ano namang nginingiti-ngiti mo dyan?!" pagtataray ko, "Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo!" parang gusto ko namang maiyak, "G-gusto ko lang namang malaman kung nasan si Rou Xuan.." iwas ko ng tingin.

Tumikhim siya at sumeryoso na muli saka inayos ang polo shirt.

"I really don't understand what you're saying, okay? And I didn't mean to offend you, pero ikaw yong humila sakin dito, for what? To undress me?" kumpas niya, "And how about my scars? Why do wanna see it?Wait.." napaisip siya, "Do you happen to be my secret admirer? Is this a set up? Have you and my cousin planned this all along?" patutsada niya, "Tch, but that's not possible, kadarating ko lang and I don't really recallㅡ

Lost In My Own NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon