Chapter 21 Paghaharap

180 11 0
                                    

SABAY na napatayo si Yi Ran at ang kasintahan nang matanaw si Rou Xuan na bumaba sa karwahe ng mag-ama.

Nakaramdam ng saya ang dalaga nang makita na hindi ito napahamak ngunit nasundan din agad yon ng labis na pag-aalala nang salubungin ito ng kapatid.

"Rou Xuan.." yakap nito sa una at tinapik sa likuran.

"Yu Xuan," balik na tapik naman niya rito, "Tiyak na matutuwa ang ating ama kapag nabatid niyang nasa maayos kang kalagayan. Buong palasyo ay naghahanap sa iyo.." saka napalingon sa dalaga.

"Bago ang lahat ay may nais akong sabihin aking kapatid.."

Nahinto siya sa akmang paglapit kay Yi Ran nang magsalita ito.

"Tungkol saan?" ngiti niya.

"Magkakakilala pala kayo mga Ginoo?" sabat ng matanda, "Sandali..," napahawak ito sa baba, "Yu Xuan.. Rou Xuan.." banggit nito sa pangalan ng mga ito, "Bakit napaka-pamilyar sakin ng mga pangalang yon?" mataman itong nag-isip.

"Ama," si Xiao na kakatali lang sa kabayo ni Rou Xuan, "Hindi ba't yong isa po ay ang pangalan ng Prinsepe na kilala sa buong Weiyan. Madalas po nating marinig sa huntahan ng mga Binibini?"

"Prinsepe?" kunot-noo nito at binalingan ang dalawang binata upang pakatitigan, "Prinsepe Yu Xuan.." muling sambit nito.

At saka biglang napaluhod, "Naku po, kamahalan!"

Pati ang anak nitong si Xiao ay awtomatikong ginaya ang ama at lumuhod rin.

"Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan! Hindi ko po sinasadyang sambitin ang inyong pangalan ng walang paggalang. Isang pagkakamaliㅡ

ㅡGinoong Wang, tumayo ka.." alalay niya rito, "Ginawa mo ang lahat upang tulungan kami ni Binibining Yi Ran, utang ko sa inyo ang aking buhay. Kalimutan mo na ang paggalang." ani Yu Xuan, "At tinulungan mo rin ang aking kapatid na si Rou Xuan kaya dalawa na kami na iyong napaglikuran."

Nahihiyang niyukan nito muli ang una. Kumumpas lang si Rou Xuan bilang pagtanggap sa paumanhin nito.

"Kamahalan, kamahalan. Nagagalak po akong makikila kayo!" nakangiting tayo ni Xiao na tinanguan pareho ang prinsepe at tila nasisiyahan sa mga nangyayari, "Kakaunin ko na po agad ang manggagamot upang matingnan kayo!" at saka nagtatakbo.

Napailing nalang ang matanda at humingi na naman ng pasensiya, "Ngayon lang siya nakakilala ng mga maharlika kaya hindi pa niya alam ang mga alintuntunin, nawa'y hindi po ninyo masamain ang kanyang inasal." pagpapakumbaba nito, "Mangyari'y doon na tayo sa loob sapagkat pareho pang hindi naghihilom ang inyong mga sugat."

Inalalayan naman ni Yu Xuan ang kapatid na halatang may iniindang sakit. Tahimik na sumunod sakanila si Yi Ran na hindi malaman ang gagawin.

___
Yi Ran/Lien's pov

NATUYUAN ako ng lalamunan habang pinapanood ang magkapatid. Hindi ko alam kung sumpa ba ito o sadyang minalas lang ako? Ni minsan hindi ko naisip na maiipit ako sa ganitong sitwasyon, bakit naman sa dami ng mamahalin ko, magkapatid pa? Na parehong fictional character!

Napapikit ako sa pagkadismaya sa sarili. Technically, boyfriend ko si Yu Xuan at walang break up na naganap sa pagitan namin kasi wala kaming problema. Nagkahiwalay lang kami dahil nawalan ako ng memorya.

At di sinasadyang nainlove ako kay Rou Xuan nang manatili ako sa palasyo niya? Hindi ko sila matimbang dahil sa magkaibang pagkakataon ko sila nakilala at minahal. Pero ang masaklap naisuko ko na ang lahat kay Rou Xuan ngunit base sa alaala ko mas labis ang pagmamahal ko sa kapatid niya.

Kung kailan naman nagdesisyon na akong panindigan ang character ni Yi Ran, bigla namang siyang dumating! Naguguluhan tuloy ako dahil walang sapat na oras para mag-adjust. Sapalagay ko nahulog ang loob ko sakanya bilang Lien, yong ako nanggaling sa modern world at hindi bilang Yi Ran na obssessed kay Yu Xuan.

Lost In My Own NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon