Yu Xuan's pov
"KAMAHALAN, ayos lang po sa inyo na iwan don si Binibining Yi Ran?" si Zi Mo.
"Hindi. Ngunit hindi niya ako nakikilala. Dama ko sakanya ang pag-aalinlangan nang hawakan ko siya. Kaya siyasatin mo kung anong nangyari sakanya nong mga araw na umalis siya at bakit siya nagkaganon.." utos ko sakanya.
"Opo, kamahalan..,"
"Sa imperyal na palasyo tayo magtungo. Tutuparin ko ang hiling ni Yi Ran upang makuha ko agad ang kanyang tiwala. Ayokong magtagal ang pagdistansiya niya sakin na para akong isang estranghero." mapait kong wika, "Dahil nag-iisa lang si Yi Ran at sa akin lang siya." diin ko.
___
Yi Ran/Lien's povHINDI na 'ko nagmatigas pa. Sa temperament niya mahirap hulaan kung ano ang gagawin niya. Ni hindi ko nga alam na magagawa niyang manghalik ng babae ng ganun-ganon lang. Wala yon sa character na iniimagine ko sakanya. To think na dalawang beses pa niyang inulit? Yong isa pa nga lang hindi na ako makapaniwala? Pero yong dinalawa niya talaga?
Nag-init ang mukha ko nang maalala ang eksena at wala sa sariling napahawak sa mukha ko. Aminado ako na iba talaga ang naging epekto sakin non.
Lihim akong kinilig sa utak ko nang rumishestro sa alaala ko ang mukha niya, "Aish! Pero kailangan kong panindigan ang pagiging author ko! Hindi ako dapat magpadala sa feelings ko dahil hindi ko alam kung magtatagal ako rito o kung anong magiging consequences non!" napasimangot ako, "At dumagdag pa si Yu Xuan." napailing ako, "Isa lang naman ang ambisyon niya ang makuha ang trono. Kaya nga karibal ang tingin niya kay Rou Xuan. Mas marami kasi itong achievement kaysa sakanya."
Naputol ang pag-iisip ko nang makita si Rou Xuan na pangiti-ngiti habang kumakain.
"Anong nakakatawa?" sita ko.
"Yang mukha mo.." kumpas niya, "Iniisip mo ba kung anong gagawin ko kung sakaling humakbang ka palabas?" aniya sa nakakalokong tingin.
"Hindi no!" Ismid ko, "Iniisip ko kung kailan ka matatapos kumain dyan at nang makalabas na 'ko?"
"Kaya ba pulang-pula yang mukha mo?"
Nakapa ko ang sariling pisngi, "M-mainit lang noh?" excuse ko, "Saka doble-doble kasi tong pinapasuot sakin ni Yanyan."
"Mukhang hindi ka rin sanay sa uri ng aming pananamit.." sumeryoso siya, "Marahil ay nagmula ka sa malayong lugar. Wala pa akong kilalang patahian sa Weiyan ang nagtitinda ng katulad na disenyo nang suot mong damit nong una tayong magkita.."
"Kung alam mo lang.." mahina kung bulong.
___
Imperial Palace"PAGBATI sa ikatlong Prinsepe!" anunsiyo ng bating.
"Kamahalan," magalang na yuko ni Yu Xuan sa ama.
Nagpapahinga ito sa sariling kama.
"Nagsawa ka na ba sa paglilibang at pagsuyod sa lahat ng panuluyang pang-aliw ng Weiyan?" makahulugang bungad nito.
Nakatago ang mukha ng matanda sa likod ng kurtina kaya't di niya aninag ang ekspresyon ng mukha nito. Ngunit alam niyang matagal nang sumasakit ang ulo ng ama dahil sa kanyang kinahihiligan. Labis itong sumasalungat sa uri ng pamumuhay niya.
"Narito po ako upang kamustahin ang inyong kalagayan at humingi ng isang pabor para sa aking kapatid na si Rou Xuan."
Napabangon ito sa kanyang tinuran at nagtataka siyang tiningnan.
"Anong klaseng pabor yon?"
"Binisita ko si Rou Xuan kanina lamang at mukhang hindi maganda ang kondisyon ng kanyang katawan dahil sa sugat na kanyang natamo. Kung kaya't ipinatawag ko ang anak ni Ginoong Mu Chen upang siya ay gamutin. Sa aking palagay, kakailanganin pa niyang muli ang serbisyo ni Binibining Su Yin upang magtuloy-tuloy ang pagbalik ng kanyang lakas.."
BINABASA MO ANG
Lost In My Own Novel
FantasyWhen Lien was about to finish her novel, she suddenly felt a hit on the head and lost consciousness, unaware that she accidentally deleted all of her work. As she wakes up, she finds herself in an unfamiliar yet strangely familiar world. Lying on a...