Chapter 13 Pagsuko

282 17 0
                                    

HINDI ako humihinga habang nakikipaglaban si Zi Xin sa anim na kalalakihan. Nakakangilo ang kalansing ng kanilang mga sandata. Napapailag nalang ako at napapasalag kahit nandon lang naman ako sa may likuran at nanonood.

Proud na proud ako sakanya dahil tulad ni Gou An ay walang kahirap hirap siyang nakipagsabayan sa mga ito kahit mag-isa lang siya.

Ngunit dahil nakafocus ako sakanya ay di ko agad namalayan na nawawala na ang pinakalider ng mga ito.

Nagulat nalang ako nang biglang may humila sakin.

"Rou Xuan?!" nagliwanag ang mukha ko, "Paano mo nalamang nandito kami?"

Sa halip na sumagot ay niyakap niya ako upang maiiwas sa pag-atake ni Panot, na nasa likuran ko na pala kanina bago siya lumitaw. Pinaikot niya ako sa kabilang gilid at gamit ang isang kamay ay sinalag ang sandata nito.

Isang mabilis na siko sa dibdib at sipa sa tuhod ang isinalubong niya kaya napaluhod ito. Bago pa ito muling makaporma ay itinapat na ni Rou Xuan sa leeg nito ang talim ng kanyang espada.

"Zi Xin.." tawag nito sa kanyang kawal.

Huling sipa at nang tuluyan bumagsak ang kapambuno ng ikalawa ay saka siya humarap sa direksyon namin upang magbigay galang, "Kamahalan.."

Tila nagulat naman si panot at napaangat ng ulo. Halatang ngayon lang nito nakita ng personal ang Prinsepe.

"Ipatawag mo si Kumander Gou An at dakpin ang mga yan!" utos niya.

___
Yi Ran/Lien's pov

    AYAW pang pumayag ni Rou Xuan na pumasok sa loob ng panuluyan noong una. Subalit wala na siyang nagawa dahil dalawa kami ni Gou An na kumumbinsi sakanya.

Hindi naman siya gaanong kilala ng mga mananayaw at parokyano na naron dahil bibihira siyang lumabas sa kalye ng Weiyan hindi tulad ng kapatid niya. Kilala lang siya ng karamihan sa pangalan.

Isa pa ipinagamit sakanya ni Gou An ang kapa nito upang maitago ang kanyang kasuotan. Para siyang bata na nagpalinga-linga, malinaw pa sikat ng araw na yon ang unang beses niyang makapasok sa ganitong lugar.

Lihim akong nagdiwang dahil ron. Maging ang mga mananayaw na inalok ng Madam sakanila ay hindi man lang niya pinag-abalahang tingnan.

"Salamat kamahalan, sa iyong pagpapaunlak." taas ni Gou An sa baso ng alak, "Para sa'yo ang unang tagay na ito.." at saka yon ininom.

Inimbita kami ron ni Gou An upang magpalipas ng oras matapos madakip ang grupo ni panot.

Nagkusa naman akong ipagbuhos siya ng alak sakanyang baso.

"Mabuti na lamang at don kami dumaan kaya naulinigan namin ang nagaganap na komosyon.." saad ni Rou Xuan bago uminom.

"Hindi ko naman alam na makikita namin sila don at makikilala nila ako," dahilan ko, "Pauwi na nga dapat kami ni Zi Xin dahil papagabi na."

"Ang mahalaga ay ligtas kayo at nadakip sila sa akto ng paglabag. Nabawasan na ang galamay ni Guang Li." salo ni Kumander.

Napatango ako sa punto niya.

Saglit pa ay naging seryoso na ang kanilang usapan, wala na akong naintidihan dahil nakitagay na rin ako sakanila habang nagpapalitan sila ng mga impormasyon. Nainis ako dahil tuluyan na akong nakalimutan ni Rou Xuan. Natuon na ang tingin niya kay Gou An. Para tuloy akong naging hangin sa tabi niya.

___

    LAYLAY na ang balikat ni Yi Ran nang lumabas sila sa panuluyan. Pinagtulungan pa siya nito at ng kawal na maisakay sa loob ng karwahe.

Lost In My Own NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon