Chapter 29 Hairpin

211 11 1
                                    

Yi Ran/Lien's pov

MALAKAS na paputok ang sumalubong samin nang masapit namin ang kapital ng Yutong. Buhay na buhay ang buong kalye. Abala ang mga tao sa paniningin sa mga booth na nakahilera sa may gilid. May street performers din sa bawat kanto. Masaya at maingay ang lahat na nanonood sa mga ito.

Bawat mapapadaan ay naghahagis ng salapi sa mga lalagyan ng nagtatanghal. Kaya kusa rin akong naghulog ng pilak nang matapat kami sa isang lalake na nagtitimbang ng sarili sa lubid at bumubuga ng apoy.

Kasunod ko si Rou Xuan at Zi Xin sa paglalakad. Pinapanood lang nila akong makiusyuso sa mga nagaganap sa daan. Malamang sanay na sila sa ganitong klase ng pista kaya casual lang silang dalawa sa pagmamasid.

May musikero na tumutugtog ng iba't ibang instrumento at may mga shadow play. Nakakamangha ang lahat dahil sakabila ng makalumang panahon ay maraming paraan upang maglibang sa pista.

Natigilan ako nang maligaw ang mata ko sa balkonahe ng isang panuluyan. Saglit akong napatunganga ron. May lalaki kasing nakatayo na prang nakatanaw sakin at nakadama ako ng pamilyar pakiramdam.

"Yi Ran.." napalingon ako sa tawag ni Rou Xuan, "Ano ang iyong tinitingnan?"

"Ah, kasi yong.." akmang ituturo ko iyon ngunit nawala na ang lalaki, "Y-yong disenyo ng balkonahe," pag-iiba ko nalang, "Ang ganda.."

Inakbayan niya ako.

"Hindi ko alam na kinawiwilihan mo pala ang ganitong klase ng pagdiriwang.."

Ngitian ko siya kasabay ng pagtango, "Ito ang unang beses na nakaranas ako ng ganito at nakakatuwa dahil napakaliwanag ng paligid!" Linga ko.

Bukod sa nasunog mansion sa Jinan ito ang pinakamaliwanag na gabi na nakita ko rito kaya sobrang naappreciate ko yon!

Nang makakita ako ng candy booth ay tinungo ko yon at saka pumili. Nahinto ako ng makita ang maliit na bloke ng matamis dahil sumagi sa isipan ko si Yu Xuan. Gumapang ang guilt sa katawan ko.

"Binibini, ano po ang inyong nais bilhin?" agaw ng tindero.

"Ah.." napakisap ako, "W-wala, hindi pa ako makapagpasya.." iling ko agad.

Binalingan ko si Rou Xuan na abala naman sa paniningin ng mga abubot sa kabilang stall.

"Tingnan mo.." pakita niya sakin ng mga panabit sa damit na may iba-ibang disenyo, "Maaring isulat ang pangalan nating dalawa.."

"Pumili lang po kayo Ginoo, nabibili lang ang mga ganitong sagisag tuwing pista. Matibay po ang uri ng kahoy na ginamit sa paglikha nito.." nag-umpisa magsales talk ang lalaki.

Mukhang nakumbinse naman si Rou Xuan at bumili ng isa. Yon pang pinakamahal ang pinili niya. Ipinasulat niya sa harap ang aming pangalan at "magpakailanman" naman sa likod.

Lihim akong natawa nang iabot niya sakin yon, "Rou Xuan and Yi Ran, forever.." mahina kung bigkas. Dahil ganon yon babasahin kung nasa modern world kami.

Unang beses kong makatanggap ng ganon kaya aminado akong may kaunting cringe sa part ko. Sabagay sa halos lahat naman ng gawin niya dahil nasa lumang panahon ako.

Tinulungan niya akong isabit yon sa baywang ko.

"Wag mong iwawala ito bilang tanda ng mas mahabang panahon nating pagsasama.." seryoso niyang saad.

Nagpatuloy kami sa paglilibot sa kalye hanggang masapit namin ang stall kung san mabibili ang mga lumilipad na parol. Karamihan ng mga namimili ron ay may kapareha. Halata ngang marami ang naniniwala sa wishing parol.

Nakita ko namang binulungan niya si Zi Xin marahil ay may iniutos siya rito. Nang makaalis ito ay saka niya ako binalingan.

Akmang lalapit na kami sa stall nang biglang may batang bumunggo sakin.

Lost In My Own NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon