Chapter 4 Su Yin

495 21 0
                                    

NAGISING ako na parang may mga bubuyog na umaaligid sa aking silid.

"Yanyan," tawag ko, "Anong nangyayari sa labas?" taka ko.

"Binibini dumating po kasi si Prinsepe Yu Xuan, ang kapatid ng kamahalan." ulat nito, "At karamihan po sa mga tagasilbi rito ay tagahanga niya. Kumpara po kasi sa kamahalan ay napakaamo ng mukha niya. Para siyang isang anghel na nahulog mula sa langit.."

Napabangon ako ng tuluyan. "Nandito na siya..?"

Mabilis akong nagfreshen up at nagbihis upang alamin ang kaganapan sa labas. Pasimple akong sumilip sa may pasilyo kung saan sila nag-usap.

Sakto namang lumingon si Yu Xuan sa direksyon ko. Nagtama ang aming mga mata. Iiwas sana ako ng tingin ngunit napansin kong palihim siyang sumisenyas sa akin.

"Bakit siya ganon?"

Ngunit nakita na rin ako ni Rou Xuan at biglang tinawag.

"Hi, sa inyong dalawa" bati ko nang makalapit sakanila.

Totoo nga ang bulungan ng mga tagasilbi kanina. Napakaamo ng mukha niya, kung sa babae mukhang di siya makabasag pinggan. Tuwid ang mahaba niyang buhok na nakapusod ng maayos ang kalahati sa tuktok. Mas gwapo pa siya kaysa sa imagination ko. Nagpalipat-lipat ako ng mata sakanilang dalawa.

Di maipagkakaila na magkapatid nga sila. Ngunit mas kaaya-ayang titigan si Yu Xuan dahil sa mas magaan ang kanyang kakisigan samantalang matapang at may awtoridad ang mga mata ni Rou Xuan kaya medyo mas nakakaintimidate siya.

Muli kong pinagmasdan ang kabuuan ng una. Sa pananamit ay magkasalungat rin sila. Light ang motif nito at dark naman sa kapatid niya. Nakakapagtaka lang kung bakit titig na titig siya sakin na parang may gustong sabihin.

"M-may bisita ka pala Rouㅡ

Tumikhim siya bilang paalala na kailangan kong maging maingat sa pagbigkas ng kanyang pangalan.

"Kamahalan.." pagtatama ko at ngitian siya.

"Siya si Yi Ran, isang manlalakbay at panauhin sa aking palasyo," pakilala niya sakin, "Yi Ran siya naman ang aking kapatid, Si Prinsepe Yu Xuan."

"Manlalakbay?" nahalata ko ang alinlangan sakanyang ngiti, "Kung ganon..," tumayo siya at inabot ang aking kamay, "Ikinagagalak kong makilala ang isang napakagandang manlalakbay.." at saka hinalikan yon, "Binibining Yi Ran.."

Napakamakahulugan nang pagbanggit niya sa aking pangalan, I mean sa hindi ko tunay na pangalan. May kakaiba akong nararamdaman mula sa aura niya pero hindi ko mawari. Malalim ang kanyang mga titig. Kaya tumikhim ako at tinangkang bawiin ang kamay ko ngunit mas humigpit lang ang hawak niya ron.

"Ah, Prinsepe Yu Xuan.." usal ko, "Ikinagagalak rin kitang makilala.." yuko ko sakanya, "Pasensiya na kung nakaabala ako sa inyong usapan.."

Napatingin kami kay Rou Xuan nang ito naman ang tumikhim habang nakatutok ang mata sa kamay nitong nakahawak pa rin sakin.

"Paumanhin aking kapatid, napakalambot ng kamay ng Binibini." bitaw niya, "Tila kamay ng isang Prinsesa na nararapat ingatan at bigyang pansin." pambobola nito, "Napakapalad mo na makilala ang isang tulad niya."

"Naku Yu Xuan, kung hindi ko lang alam na sakabila ng iyong maamong mukha ay mahilig kang bumisita sa mga panuluyan upang manood at uminom kasama ang pinakamagagandang mananayaw ng Weiyan, ay madadala mo ako dyan sa pananalita mo." Isip-isip ko.

"Rou Xuan!" halos sabay naming bigkas nang biglang mapasubsob ito sa lamesa.

Napatutop ako ng bibig at kunot-noo namang napatitig sakin si Yu Xuan sakin. Nabigla siguro siya nang kaswal kong tawagin ang kapatid niya sa pangalan nito habang pareho kaming nakaalalay rito.
Namangha ako nang buhatin niya ito. Di ko akalaing malakas din siya kahit puro paglilibang lang alam niyang gawin sa buhay.

Lost In My Own NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon