Chapter 10 Gamot

324 23 0
                                    

"BINIBINING Su Yin bakit po hindi kayo nagpahatid agad sa palasyo ni Prinsepe Rou Xuan?" taka ni Yanyan habang nagkukuskos ng ink.

Abala naman siya sa pagsusulat.

"Nalalapit na kasi ang taunang pangangaso at sa akin inatas ng Emperador ang pagbili at pagtitipon ng iba't -ibang halamang gamot na kakailanganin kung sakaling aksidenteng masaktan ang mga Prinsepe." paliwanag niya, "Mamayang hapon tayo babalik sa palasyo kapag nakompleto ko na ang mga ito."

"Ah, ganon po ba?" tango nito, "Ibig sabihin po ba ay makakasama rin ako sa pagdiriwang?"

"Oo naman, kakailanganin ko ang iyong tulong." ngiti niya, "Heto, maayos na ang aking listahan. Ang karamihan rito ay mabibili lamang sa bayan at ang iba ay hahanguin natin sa kabundukan."

"Ang dami naman po, alam nyo po ang lahat ng halamang gamot na yan kahit walang larawan?" silip nito.

"Kabisado ko na ang lahat dahil madalas kong panoorin ang aking ama sa tuwing magtitimpla siya ng gamot. Marami rin siyang aklat na madalas kong basahin nong bata pa ako."

"Ang galing nyo naman po Binibini.." hanga nito, "Halos pareho po kayo ni Binibining Yi Ran na may angking talento."

"Ano naman ang kinahihiligan niya?"

"Isang beses ko lang siyang nakitang gumuhit ngunit kakaiba po yon at detalyado.." kwento nito na biglang lumamlam ang ekspresyon.

"Ayos ka lang ba?"

"Opo, Binibini.. nag-aalala lang po ako kay Binibining Yi Ran. Hindi po niya sinabi sa atin ang kabuuan ng kanyang plano ngunit dahil umalis po kayo at sa aking pagkakamali ay nabigo siya."

Tinapik niya ang balikat nito, "Hindi mo pa rin ba sasabihin sakin kung ano ang iniutos niya sayo?"

Sunud-sunod ang iling nito, "Nangako po sakanya na wala akong ibang pagsasabihan ng tungkol don. Paumanhin po."

"Pinahanga mo ako sa katapatan mo sakanya kaya wag kang mag-alala hindi kita pipilitin." tayo niya at inayos ang buslo na dadalhin, "Ang sabi lang niya sa akin kagabi ay maghintay ako sa aking silid. Bukod don wala na rin akong alam sa plano niya. Tiyak na sinadya niyang hindi ipaalam sa atin ang lahat upang hindi tayo madamay kung sakalin mang mabigo siya. Katulad ng nangyari ngayon. Kahit papano ay marunong siyang umako ng responsibilidad."

"Tama po kayo, sa tuwing may naiisip siyang gawin. Palagi niyang sinasabi sakin na hindi niya ako ipapahamak. Tuso si Binibining Yi Ran, kaya alam kong malulusutan niya ulit ito." gumaan ang loob nito.

"Halika na?" aya niya.

"Hmm!"

At sabay silang lumabas nang bahay.

___

"UMAASA pa rin po ba kayo na lilitaw si Binibining Yi Ran?" Tanong ni Chen sa kumander.

"Hah?" taka nito na kunwari ay nag-iinspeksyon ng mga karga ng isang karwahe na papalabas ng bayan, "San mo naman nakuha yan?"

"Kumander Gou An, hindi nyo naman yan ginagawa dati?" turan nito sakanyang kilos, "Dahil hindi nyo naman tungkulin yan ngunit ilang na araw na kayong gumagala sa bayan at kung anu-anong ginagawa."

"Ikaw lang nag-iisip nyan," at lumakad na siya, "Nakakainip rin ang manatili sa himpilan at mag-abang ng ulat." kinuha nito ang isang piraso ng mansanas sa nadaanang maglalalako ng prutas.

Awtomatiko namang kumuha ng barya ang alalay at inabot sa nagtitinda at humabol sa Pinuno.

"Sinasabi ko sa inyo Kumander, walang mangyayari sa paghanga nyo sa Binibini."

Lost In My Own NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon