Rou Xuan's pov
HINDI ako makapaniwala na magkakasundo ng ganon kabilis ang Emperador at si Yi Ran. Lihim akong natawa sa sarili. Kabaliktaran nang pinapangambahan ko ang nangyari. Lihim akong natawa sapagkat mas lalu niya akong napanhanga.
"Mabilis niyang napukaw ang aking interes kaya't hindi kataka-kataka na makuha rin niya ang loob ng aking ama." isip-isip ko.
Nakaramdam tuloy ako nang panghihinayang dahil kung hindi bumalik ang kanyang alaala isa sana yong magandang pagkakataon upang hingin ang basbas ng Emperador para sa isang kasal.
Lihim kong sinulyapan si Yu Xuan, tiyak na yon din ang iniisip niya ngayon. Hindi na siya mahihirapang kumbinsihin ito. Nanikip ang aking dibdib kasabay nang pananakit ng aking sugat dahil sa ideyang iyon. Nais kong mabawi si Yi Ran ngunit paano ko gagawin yon nang hindi masasaktan si Yu Xuan?
Pareho kaming nakaluhod sa harap ng mga tableta ayon na rin sa kautusan ng Emperador.
"Kung hindi mo kaya ay aakuin ko ang parusa.." sambit nito na napansin ang aking pagngiwi.
"Ayos lang ako," tugon ko at tiniis ang sakit, "Handa ako panindigan ang lahat ng aking pagkakamali." makahulugan kong wika.
Naghari muli ang katahimikan sa pagitan namin.
___
Yi Ran/Lien's pov"BINIBINI!" masayang salubong sa akin ni Ming Yue, "Ligtas ka!" yakap niya sakin, "Ang akala ko ay tuluyan ka nang napahamak. Lahat ay nag-aalala at abala sa paghahanap kay Prinsepe Yu Xuan, wala man lang ni isa ang nagbanggit ng tungkol sa inyo." kwento nito, "Maliban kay Prinsepe Rou Xuan! Ikaw ang una niyang hinanap ng magkamalay siya."
Napawi ang ngiti ko, "Talaga?"
"Hmm!" tango nito, "Nagalit pa siya nang wala ni isa sa mga kawal ang makapagbigay ng impormasyon tungkol sa inyong kinaroroonan. At kahit nanghihina siya ay pinilit niyang pangunahan ang paghahanap sa inyo. Hindi siya tumigil. At ngayon ay nandito na po kayo!" masigla niyang yugyog sa kamay ko, "Sinabi na po ba ng kamahalan kung kailan tayo makakabalik sakanyang palasyo?"
Napakisap ako, "Ming Yue, hindi na ako babalik sa palasyo ni Rou Xuan."
"Hah?" taka niya, "Ngunit bakit po?"
"Ang totoo nyan," iwas ko ng tingin, "Naaalala ko na ang nakaraan ko.."
Nanlaki ang mata niya, "Ganon po ba? Wala po bang kaugnayan yon sa kamahalan?"
Umiling ako, "Wala. Dahil lahat ng alaalang mayron ako ay tungkol lahat kay Yu Xuan. Siya ang boyfrㅡ ang aking kasintahan Ming Yue at mula pagkabata ay magkakilala na kami. Sinagip niya ang buhay ko."
Bumagsak ang balikat nito, "P-paano na po si Prinsepe Rou Xuan?" usal niya, "Nakita ko po kung gaano kayo kahalaga sakanya. Tiyak na masasaktan poㅡ
ㅡMing Yue," putol ko sakanya, "Malaki ang kasalanan ko kay Yu Xuan. Nagtaksil ako sakanya nang hindi ko nalalaman, sakanilang dalawa siya ang mas masasaktan dahil mas matagal ang pinagsamahan namin." dahilan ko.
"Nauunawaan ko po ang ibig nyong sabihin." saad niya, "Ngunit hindi naman po ata patas kay Prinsepe Rou Xuan ang basta nyo nalang siyang talikuran? Hindi po sa kinakampihan ko siya dahil siya ang aking pinagsisilbihan, nais ko lamang pong ipabatid na saksi po ako at ang lahat ng tagasilbi sa palasyo kung gaano po kayo kaespeyal sakanya." patuloy nito, "Wala po akong alam sa pag-ibig ngunit kung ako po ang tatanungin, mas karapat-dapat pa rin po sa inyo ang kamahalan."
Nalunod ako sa pag-iisip sa sinabi nito.
___
"MAGANDANG balita Kumander Gou An!" takbo papasok ni Chen sa himpilan, "Nakausap ko si Binibining Su Yin sa pamilihan kanina at ang sabi niya ay ligtas na nakauwi ang kamahalan at si Binibining Yi Ran!"
BINABASA MO ANG
Lost In My Own Novel
FantasyWhen Lien was about to finish her novel, she suddenly felt a hit on the head and lost consciousness, unaware that she accidentally deleted all of her work. As she wakes up, she finds herself in an unfamiliar yet strangely familiar world. Lying on a...