Chapter 18 Kasintahan

210 10 0
                                    

     SUMIKSIK sa kabilang bahagi ng kweba si Yi Ran habang patuloy na nahihirapang huminga ang Prinsepe. Ayaw na niya itong galawin dahil nagiguilty siya sa nangyari kay Rou Xuan.

Para sakanya unfair kung tutulungan pa niya ang taong nanakit rito. Kaya gulung-gulo ang utak niya ng mga oras na yon. Naawa man siya kay Yu Xuan subalit kinukumbinsi niya ang sarili na pabayaan nalang ito.

Mas diniinan niya ang pagtakip sa tainga nang muli itong umubo.

"N-natatakot ka ba talaga sakin Yi Ran?" namamaos nitong sabi, "P-paumanhin kung mas inuna kitang sagipin kaysa sa aking kapatid sapagkat batid kong naron si Zi Xin at ang aking kawal na si Zi Mo.. natitiyak kong hindi nila p-pabayaan si Rou Xuan.."

"Tumigil ka na sa pagpapanggap please! Alam kong kagagawan mo ang lahat ng yon.." akusa niya rito, "Ikaw ang nagpapadala ng mga mamamaslang upang saktan siya hindi ba? Nais mo siyang mawala! Ngunit nabigo ka sa masama mong plano at bumalik sayo lahat." mangiyak-ngiyak niyang sabi, "Sisihin mo ang iyong sarili dahil ibinigay mo pa sakin ang pana at palaso, kaya ka nagkakaganyan ngayon!" sumbat niya.

Pinilit ng binata na ipaling ang ulo, "N-nauunawaan kong.. dahil sa pagkawala ng iyong.. alaala kaya mahirap sa'yo ang p-pagkatiwaalaan ako," naubo, "Subalit sa maniwala ka.. at sa hindi, hindi ko masasaktan ang aking kapatid.." mapait siyang tumawa, "B-bakit ko sasaktan ang nag-iisa kong kakampi at n-naniniwala sa aking kakayahan?"

Umiling siya, "Paano mo pa nagagawang magsinungaling sa ganyang kalagayan? Aminin mo nalang na gusto mo siyang patayin!" di niya napigil ang magtaas ng boses.

"A-alam mo ba.. kung bakit may marka ka sa iyong tiyan?" mahinahon nitong balik.

Lumapit siya sa apoy at agad na sinilip ang tinukoy nito sa loob ng kanyang damit, "B-bakit may marka akong ganito?" hindi niya alam ang tungkol don.

"Yon ay dahil.." hingang malalim, "Kinailangan mong itago ang iyong.. katauhan." saad niya at muling napaubo, "Ang Wanlan at palasyo ko ang nagsilbi mong.. tahanan. Tumakas ka sa iyong angkan, ang angkan ng mga rebelde.. sa k-kanluran ng Jiang."

Napapailing siya sa mga sinasabi nito.

"Ang sabi mo pa noon.. ay n-nahulog ang loob mo sakin simula pa ng.. mga bata tayo." ubo, "Nong una tayong.. nagkita sa kakahuyan.. noong pareho tayong m-may tinatakasan." lahad nito na tila ba magandang alaala sa nakaraan.

[ FLASHBACK ]

    NAGTAGO ang batang babae sa likod ng isang napakalaking puno. Nang umurong siya ay bumunggo ang kanyang likuran sa isang walang malay na batang lalaki.

Nakasuot ito ng mamahaling damit at may ilang gasgas sa mukha.

"Bata, bata, gumising ka.." mahina niyang yugyog rito.

Nang hindi ito nagising ay sumalok siya ng tubig gamit ang dalawang kamay mula sa ilog na naron. At saka iwinisik sa mukha nito. Tila naalimpungatan naman ito nang makita siya.

"S-sino ka? Kasama ka ba ng mga dumukot sakin?"

Natawa ang bata, "Ako si Yi Ran at tumakas ako samin kaya ako nandito. Ang liit-liit ko naman upang dukutin ka?" paliwanag niya, "Ikaw anong pangalan mo?"

"Yu Xuan," sabi nito at pasimpleng sumilip sa likod ng puno, "Wala na ba yong mga tulisan?"

"Hmm," tango nito na sumilip rin, "Wala na rin ang mga humahabol sakin kaya ligtas na tayo," upo niya sa tabi nito, "Nais mo ba ng matamis?" dumukot ito ng kendi sa bulsa at diretsong isinubo sa bibig niya.

Iluluwa niya sana iyon ngunit agad din niyang naibigan ang lasa kaya sinipsip nalang yon. Nagsubo naman ng kanya ang batang babae.

"Masarap ano?" ngiti niya, "Kinupit ko yan sa aking tiyuhin," amin niya, "Narinig ko na nakuha niya yan sa isang panuluyan. Hindi ko alam kung ano yon ngunit marami raw don na masarap na pagkain at magagandang Binibini!"

Lost In My Own NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon